Angelica 2 beses nang na-postpone ang kasal kay Gregg Homan, tuloy na tuloy na sa 2024: 'Parang ayaw ng universe na itago namin' | Bandera

Angelica 2 beses nang na-postpone ang kasal kay Gregg Homan, tuloy na tuloy na sa 2024: ‘Parang ayaw ng universe na itago namin’

Ervin Santiago |November 07,2023
facebook
share this

Angelica 2 beses nang na-postpone ang kasal kay Gregg Homan, tuloy na tuloy na sa 2024: ‘Parang ayaw ng universe na itago namin’

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 06:20 AM

Angelica 2 beses nang na-postpone ang kasal kay Gregg Homan, tuloy na tuloy na sa 2024: 'Parang ayaw ng universe na itago namin'

Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Bean

NAGPAALAM na ang Kapamilya actress na Angelica Panganiban sa pagiging single lady kasabay ng kanyang 37th birthday celebration.

Nagpakaligaya ang aktres at celebrity mom sa kanyang party nitong nagdaang Sabado, November 4, na dinaluhan ng kanyang mga kapamilta at ilang malalapit na kaibigan in and out of showbiz industry.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang celebrity mom ng mga litrato na kuha sa kanyang birthday celebration kung saan game na game siyang  sinamahan ng kanyang fiancé na si Gregg Homan.

Ayon kay Angge, ginawa na niyang super memorable ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan this year dahil ito na ang huling taon ng kanyang pagiging single.

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan bilang Ms. Panganiban,” na  hashtag na #HuliNaNiPanganiban.

Baka Bet Mo: Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

Base sa mga photos na ipinost ni Angelica, nakisaya sa kanyang party ang kanyang mga celebrity friends na sina Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Smokey Manaloto, Ketchup Eusebio, Glaiza de Castro, Alyssa Valdez, Kian Cipriano at marami pang iba.

Nauna nang nagpasalamat si Angelica sa lahat ng mga bumati sa kanyang birthday last November 4 kasabay nito ang pagpo-post niya ng mga litrato ng kanyang anak na si Baby Amila Sabine.

Sey ni Angge sa caption, “Post birthday feels. Swipe to see the best birthday gift in the world. Thank you for all the birthday greetings.”

Noong October, 2022 nang ibandera nina Angelica at Gregg ang kanilang engagement after more than two years of dating. Isinilang naman ang anak nilang si Baby Bean noong September 20, 2022.

Sa vlog nilang “The Homans,” in-announce ng engaged couple na magaganap ang kanilang kasal dito sa Pilipinas early next year.

Baka Bet Mo: Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

“We were going to get married last year pero we wanted to make Bean a part of it. So we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it,” sey ni Angelica.

Pagbabahagi pa ng aktres, “Parang twice na naming dinelay yung wedding. Last year and this year, dapat aalis kami. Ilang beses naming tinray mag-elope pero parang ayaw ng mundo na itago namin.

“Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan at ang family members namin. So ngayon mukhang matutuloy na siya.

“Meron na kaming save the date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, sa mga friends namin na sobrang busy ‘yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na iyon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending