Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year

Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

Pauline del Rosario |June 04,2023
facebook
share this

Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

Pauline del Rosario - June 04, 2023 - 12:04 PM

Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

PHOTO: Instagram/@iamangelicap

ISANG taon nang vlogger ang couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan!

Kaya naman bilang pasasalamat sa kanilang fans ay naglaan sila ng oras upang sagutan ang ilang mga katanungan tungkol sa kanila at plano sa buhay.

Ang question and answer video ay ibinandera ng dalawa sa kanilang YouTube channel na “The Homans” at isa sa mga sinagot nila ay ‘yung tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Kinumpirma mismo ng dalawa na matutuloy ang kanilang wedding sa susunod na taon at on going ang pagpaplano raw nila para rito.

“We wanted Bean to be part of it, so we’re gonna do it early next year,” sey ni Gregg sa vlog.

Baka Bet Mo: Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Naikwento pa ni Angelica na dalawang beses nang naudlot ang kanilang kasal, pero mukhang next year daw talaga ang nakatadhana na petsa para sa kanilang pag-iisang dibdib.

 “So parang twice na namin dinelay ‘yung wedding, like, last year 2022 and this year 2023 dapat aalis tayo,” chika ng aktres.

Patuloy pa niya, “Ilang beses na naming nag-try mag-elope so parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas kasi magdasal ang mga kaibigan at family members namin.”

Wala pang nabanggit na petsa ang dalawa kung kailan gaganapin ang kanilang kasal, pero ibinunyag nila na nagbigay na sila ng mga imbitasyon para sa kanilang mga kamag-anak at ilang malalapit na mga kaibigan.

 “Meron na kaming ‘save the date’, sinabi na namin sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila at makapag-ipon na, sa mga friends namin na busy ‘yung schedule nila sa life,” kwento ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Marami silang commitments kaya inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na ‘yun.”

Biro pa ng aktres, “So finally, pakakasalan ko na ‘to kasi deads na deads sakin. Pagbibigyan ko lang.”

Kung matatandaan, noong January 2021 nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon.

Noong Mach 2022 naman nang inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong nakaraang Setyembre.

Related Chika:

Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending