Angelica Panganiban, Gregg Homan engaged na! | Bandera

Angelica Panganiban, Gregg Homan engaged na!

Therese Arceo |October 08,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban, Gregg Homan engaged na!

Therese Arceo - October 08, 2022 - 08:22 PM

Angelica Panganiban, Gregg Homan engaged na!

MATAPOS ang ilang linggo matapos ang panganganak ng aktres na si Angelica Panganiban, isa na namang bagong milestone sa buhay niya ang naganap.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinahagi ng aktres sa publiko na engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Base sa vlog, naganap ang naturang engagement noong apat na buwan nang nagdadalangtao si Angelica.

Bago pa man ang proposal ay makikitang may mensahe si Gregg sa kanilang anak.

“Hi baby Bean, just wanted to let you know that daddy is very nervous because he’s going to ask your mommy to marry him today. It’s been a bit difficult for daddy to find the time to do this because of all the pregnancy stuff and mom’s been a bit moody lately but it’s not her fault,” sey ni Gregg sa kanilang baby girl ni Angelica.

“Daddy loves mommy very much and wants to spend the rest of our lives together. I hope everything goes well. I don’t think she has any idea that I’m going to ask her today,” dagdag pa niya.

At habang nasa dalampasigan nga silang dalawa ay dito na lumuhod si Gregg at hiningi ang kamay ni Angelica.

“Love ko, maraming paraan para sumaya sa buhay na ‘to pero ikaw lang yung kailangan ko.

“Angelica David Panganiban, will you marry me?” tanong ni Gregg na sinagot naman ng aktres ng “Yes, I love you.”

Sa mga sumunod na clip ng naturang vlog ay makikitang masaya at emosyonal ang aktres matapos ang nangyaring engagement.

“May baliw na nagpro-propose sakin. Kahit anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko, mahal na mahal ako,” sey ni Angelica.

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa at nitong Setyembre 20 nang i-welcome nila ang kanilang panganay na anak na si Amila Sabine.

Related Chika:
B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ngelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending