Kris Aquino hirap nang maging strong, humingi ng lakas sa ina
AMINADO ang Queen of All Media na si Kris Aquino na nahihirapan na rin siyang maging malakas sa paglaban sa iniindang sakit.
Ngayong araw, nagbahagi ang TV host-actress ng larawan sa kanyang Instagram stories bilang paggunita sa kaarawan ng yumaong ina na si dating Presidente Cory Aquino.
Unang ibinandera ni Kris ang larawan ng kanyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimb kasama ang kanyang kaibigan.
“Thank you @mercicaniagonzales for being with kuya & bimb. It’s a new tradition that we celebrate their Lola Cory’s birthday in Disneyland. I was still strong enough to join them last year,” saad ng Queen of All Media.
Kasunod nito ay ang pagbibigay update ni Kris sa kanyang nararamdaman.
Aniya, kasalukuyan niyang iniinda ang kanyang bad flare at clogged sinus passages.
Baka Bet Mo: Bimby kailangan nang mag-work para sa medical bills ni Kris Aquino, true ba?
View this post on Instagram
“Unfortunately, I’m suffering from a bad flare and very clogged sinus passages. Even after nearly 15 years, any child who has lost their mom will agree, we still miss them so much,” pagbabahagi ni Kris.
Kuwento niya, ang dahilan kung bakit nagpapatuloy siya sa paglaban sa sakit ay dahil nakita niya kung paano lumaban ang ina.
“I keep going because I saw how much my mom endured; through all her procedures, chemotherapy, radiation etc. because she felt her kids weren’t ready and needed time to accept that she’s no longer be around,” sey ni Kris.
Pakiusap pa niya sa ina, “Mom, may I have even just 20% of your courage and ability to surrender to God’s will?”
Matatandaang nito lang ay laman ng mga balita ang pag-uwi ng anak ni Kris na si Bimb para magtrabaho dahil sa patuloy na pagtaas ng kanilang bills dahil sa kanyang pagpapagamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.