Bimby kailangan nang mag-work para sa medical bills ni Kris Aquino, true ba?
MATAPOS ang kanyang health update, sinabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino na uuwi na ng Pilipinas ang bunso niyang anak na si Bimby sa susunod na buwan.
Ibinunyag ni Kris na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil tumataas na ang bills niya sa pagpapagamot.
‘Yan ang inihayag ng dating TV host matapos siyang kamustahin ng isang fan sa kanyang latest Instagram post.
Sey ng netizen, “Love you madam! Be well [red heart emoji] we are all praying for you!”
Sagot naman sa kanya ni Kris, “Bimb might go home after my birthday. He needs to work because my medical bills are already getting higher & higher.”
Baka Bet Mo: Kris Aquino sa bunsong anak na si Bimb: YOU are the reason I can’t give up
Base rin sa sagot ng dating TV host, mukhang tuluyan na ngang papasukin ng kanyang anak ang mundo ng showbiz dahil may nabanggit siya kaugnay sa pagkakaroon ng screen name.
Ayon sa celebrity mom, hindi niya papayagang palitan ang pangalan ni Bimby.
“The stage mom is already saying NO to a name change. He’ll stay as Bimb. No last lame, like Drake,” saad ni Kris.
Kung matatandaan noong Hulyo ng nakaraang taon nang ibinalita ni Boy Abunda na pinag-uusapan na ang pag-aartista ng anak ni Kris.
Ayon sa tumatayong guardian ni Bimb, nagkaroon sila ng “exploratory meeting” with the talent agency na Cornerstone Entertainment.
Kwento niya sa programang “Fast Talk”, “Totoo po ‘yan na doon sa pag-uusap namin ay we were trying to explore kung ano ang mga pwedeng mangyari—the possibilities.”
“[Kung] pwede bang mag-artista si Bimb, ano ba ang gagawin? But it was more of an exploratory meeting,” paliwanag niya.
Nabanggit din ng TV host na ang pagpupulong ay may consent mismo ni Kris na kasalukuyang nasa United States at sumasailalim sa medical treatment.
Samantala, kamakailan lang nang inanunsyo ni Kris sa publiko na meron na namang nagma-manifest na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan – ang lupus.
Ayon kay Kris, humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang kanyang timbang kasabay ng kawalan ng gana sa pagkain.
Ayon pa sa Queen of All Media, unti-unti nang lumalabas sa kanya ang mga symptoms ng SLE, o ang systemic lupus erythematosus, ang sinasabing most common form ng lupus.
Para sa kaalaman ng marami, ang SLE ay isang “autoimmune disease in which the immune system attacks its own tissues, causing widespread inflammation and tissue damage in the affected organs,” ayon sa isang health website.
Pero sa kabila nga ng kanyang lumalalang kundisyon, naniniwala pa rin si Kris na siya ay gagaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.