Bimby tuloy na tuloy ang pagsabak sa showbiz

Bimby tuloy ang pagsho-showbiz, pero ano-ano nga ba ang mga gagawing proyekto?

Reggee Bonoan |January 26,2024
facebook
share this

Bimby tuloy ang pagsho-showbiz, pero ano-ano nga ba ang mga gagawing proyekto?

Reggee Bonoan - January 26, 2024 - 08:49 AM

Bimby tuloy ang pagsho-showbiz, pero ano-ano nga ba ang mga gagawing proyekto?

PHOTO: Facebook/Bimby Aquino

“WALA pang napag-uusapan,” ito ang sagot sa amin ni Erickson Raymundo nang tanungin namin siya kagabi kung anu-anong projects ang gagawin ni Bimby Aquino Yap pagbalik niya ng Pilipinas sa Pebrero pagkatapos ng kaarawan ng mama niyang si Kris Aquino.

Nag-viral ang sagot ni Kris Aquino sa handler niyang si Cristine Calawod ng Cornerstone Entertainment na uuwi ng Pilipinas ang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap para magtrabaho.

Nang i-post ni Kris sa kanyang Instagram account kamakailan na nanghihingi siya ng panalanagin sa lahat dahil sa panibagong sakit niya ay sinabihan siya ng handler niyang si Tin ng, “love you madam! Be well (emoji heart) we are all praying for you!”

At sinagot ito ni Kris ng, “Bimb might go home after my birthday. He needs to work because my medical bills are already getting higher and higher. But Tin, the stage mom is already saying NO to a name change.  He’ll stay as Bimb.  No last name like Drake.”

Matatandaang inanunsyo na ito ng Cornerstone Entertainment noong Hunyo 22, 2023 na kabilang na ang bunsong anak ni Kris sa management company na pinamamahalaan ni Erickson Raymundo, Presidente/CEO at Jeff Vadillo, Vice President.

Baka Bet Mo: Kris ayaw maranasan ni Bimby ang mawalan ng tatay kaya suportado ang pag-reach out ng anak kay James Yap

Magkakasama sa larawang pinost ng Cornerstone sina Erickson, Jeff, Bimb at ninong nitong si Boy Abunda at Tin.

In fact nasulat din namin ito dito sa BANDERA.

Ang caption ng larawan ay, “The Cornerstone fam with Bimb. Exciting days are truly ahead for the young star!  Mr. Boy Abunda stood in as a guardian for Bimb while Kris is still away.”

Noong araw ding iyon ay tinanong namin si Erickson tungkol sa projects ni Bimb pero sinagot kami ng mag-uusap pa raw sila ni Kris kapag nagkita sila sa Amerika.

At that time kasi ay patungong Amerika ang presidente ng Cornerstone para sa series of shows ng artists niya at dadaan nga siya sa Queen of Social Media.

Ilang araw palang ang nakalipas matapos ma-post ang larawan ni Bimb ay pinabalik na siya ni mama Kris niya hanggang sa nawala na ang balitang papasukin ng bagets ang showbiz.

At heto may kasagutan na pagkalipas ng pitong buwan, uuwi na nga si Bimb para magtrabaho na noon pa ay marami ng offers sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sumubok naman kaming magtanong sa handler ng mag-inang Kris at Bimb kung anong project ng huli at sinagot kami ng, “ate Reggee confi pa ha, ha, ha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending