Boy sa nagsabing si Bea ang may problema: 'Napaka-judgmental'

Boy sa nagsabing si Bea talaga ang may problema: ‘Napaka-judgmental’

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

Boy sa nagsabing si Bea talaga ang may problema: ‘Napaka-judgmental’

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 07:30 AM

Boy sa nagsabing si Bea talaga ang may problema: 'Napaka-judgmental'

Boy Abunda, Bea Alonzo at Dominic Roque

KUNG may nambasag kay Dominic Roque, meron ding mga netizen na bumanat kay Bea Alonzo hinggil sa kanilang paghihiwalay.

Marami kaming nabasang komento sa social media na bumatikos kay Dominic dahil nga sa chikang ayaw nitong pumirma ng prenuptial agreement na gusto umanong mangyari ni Bea.

Inakusahan din siya ng mga haters na pera lang daw pala ng Kapuso actress ang habol niya kaya niyaya niya itong magpakasal.

Baka Bet Mo: Bagong itsura ni Miss Everything viral na: ‘You look stunning in your new transformer!’

Meron namang nag-comment na parang si Bea na ang may problema dahil nga palagi na lang siyang minamalas sa pakikipagrelasyon. Baka raw masyado itong dominante at perfectionist.

Kanya-kanyang pagtatanggol ang mga taong malapit sa engaged couple ngayong painit pa rin nang painit ang kontrobersya tungkol sa breakup ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero para sa premyadong TV host at talent manager na si Boy Abunda na isa sa mga nagkumpirmang hiwalay na talaga ang magdyowa, hindi tamang sisihin si Bea sa nangyari sa kanila ni Dominic.

“Ito ang ayaw ko. Dito sa kuwentong ito, pinalalabas na ang may problema si Bea Alonzo kasi. ‘Naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo, hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.’ To me, napaka-judgmental po nu’n,” ang pananaw ni Tito Boy.

Baka Bet Mo: Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo

Paliwanag pa niya, “Yes, you and I have the right to comment. Yes, you and I have the freedom of speech, pero ako I appeal for kindness.

“What do we really know about this relationship? Do we know the nuances? Alam ba talaga natin ang detalye?” ang mariin pang pahayag ng Kapuso TV host.

“The narrative is not about Bea ang problema kaya sila naghiwalay. Sa pagkakaalam ko ito diretsahan, si Bea gusto ma-save ang relasyon na ito. Si Bea wants this to work,” esplika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero ipinagtanggol din ni Tito Boy si Dominic sa mga taong nangmamaliit sa binata, “Punta naman tayo doon kay Dominic, na masakit din pakinggan. ‘Walag pera, hindi mayaman, hindi sikat, hindi karapat-dapat kay Bea,’ cruel.”

Dagdag pa niya, “You have the right to comment, you have the right to share your opinion, pero sana’y let’s exercise prudence, caution, and most important of all, kindness.

“’Pag nagkaayos sina Bea at Dominic, no wedding is going to happen this year,’” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gitna ng pagbabangayan ng mga supporters nina Bea at Dom, wala pa ring nagsasalita sa kanila tungkol sa hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending