Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo | Bandera

Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo

Therese Arceo |March 24,2022
facebook
share this

Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo

Therese Arceo - March 24, 2022 - 04:24 PM

Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo

NO chill ang naging atake ng aktres na si Angel Locsin at sinagot ang basher na nanlait sa kanyang pangangatawan.

Isang netizen kasi ang kumutya sa kanyang larawan na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account na kuha mula sa nangyaring campaign rally ng tambalang Leni-Kiko sa Pasig City noong March 20.

“Ma’am Leni! Sa ‘yo na ang bato!” saad ni Angel sa kanyang placard.

Ang nakasulat sa kanyang placard ay may kaugnayan sa isang role na ginampanan niya noong 2005 sa Kapuso teleserye na “Darna” kung saan siya ang bumida at gumanap bilang Narda/Darna.

Nag-comment naman ang kapwa Leni supporter at host na si Bianca Gonzalez sa post ni Angel.

Aniya, “Our real life Darna.”

Isang netizen naman ang nagreply at sinabing, “@iamsuperbianca DARNA OMG!! Look can you not see? She covered her body with that banner that is so stupigs.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-call out sa basher dahil sa pangba-body shame nito kay Angel.

Depensa ng isang netizen, “2022 na, body shamer pa rin?”

“Wala kang maibato ano kaya personalan na lang. Tsupee!!! Para kang aso,” hirit pa ng isa.

Dito ay dinamay na rin ng basher ang tiyuhin ni Angel na si senatorial candidate Neri Colmenares.

Sinagot naman ng aktres ang pamba-bash ng netizen at ibinalik ang panlalait nito sa kanya.

“So ano hong gusto mong sabihin bukod pa sa malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema naman ang face at ugali mo?” saad ni Angel.

Dagdag pa niya, kapag hindi nito itinigil ang kanyang ginagawa ay magpa-file siya ng case.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

 

Tila aliw na aliw naman ang basher sa pambubwisit sa aktres at naging sunod sunod ang comment nito:

“@therealangellocsin NANANAKOT KA?”

“@therealangellocsin you just like your lutang aspirant, PATOLA! File a case against me wow!!”

“@therealangellocsin Bleehh patola ka tulad ng uncle mong MIGRANTE OF HONGKONG? Ano?”

Patuloy naman ang pagtatanggol ng iba pang mga netizens kay Angel.

“And??? Vaklang toh! Read your other obnoxious comments. What do you mean by “not healthy at all” if you don’t intend to insult Ms. Angel? And what is that question about Uncle niya si Colmenares?

“Hindi bobo ang mga nagbabasa sa intensyon mo. Don’t go further gurl baka makasuhan ka ng slander. Ihope you have enough fund to sustain the case pag kinasuhan ka. Don’t do body shaming ok?

“Look at yourself at the mirror parang mas marami ka yatang defect kaysa kay Angel isama mo na rin utak mo, ok?” mahabang litanya ng isang netizen.

Muli namang sumagot ang aktres sa mga patutsada ng basher at humingi ng tawad sa “pang-iinsulto” nito sa itsura ng basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sir, are you high? I’m sorry for insulting your face pati ugali. What I did is not proper — kahit sa isang super perfect looking na red tagger. And no, hindi po ako nananakot. Pasensya na kung natakot kayo sa pagsabi ko ng totoo,” saad ni Angel.

Tila may pahaging naman ang isa pang pahayag ng aktres sa isang supporter na, “hayaan mo siyang magsalita at may resibo ng unethical behavior.”

Related Chika:
Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!
Angel ipinasa na ang ‘bato’ ni Darna kay VP Leni: Nu’ng nagsisigaw ako, sabi ng asawa ko ‘tama na, tama na!’
Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending