Hiwalay na sina Bea at Dom? LizQuen pa rin, at iba pa…

SHOWBIZ WRAPPED: Hiwalay na sina Bea at Dom? LizQuen pa rin, at iba pa…

Chris Gamoso |February 04,2024
facebook
share this

SHOWBIZ WRAPPED: Hiwalay na sina Bea at Dom? LizQuen pa rin, at iba pa…

Chris Gamoso - February 04, 2024 - 09:19 PM

Bea Alonzo at Dominic Roque, Liza Soberano at Enrique Gil

Bea Alonzo at Dominic Roque, Liza Soberano at Enrique Gil

MARAMING ganap this week sa ating mga kilalang celebrity couples! Nakakaloka ang isyung hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na naghahanda lang ng kanilang kasal this year hanggang sa pag-reveal ni Enrique Gil na staying strong pa rin sila ni Liza Soberano! 

Narito ang Top 7 Pasabog na Chika na bumandera all over the universe nitong January 28 hanggang February 3, 2024!

#7: Katrina Halili wasak ang puso sa pagpanaw ng boyfriend: ‘Ang daya mo…’

Katrina Halili wasak ang puso sa pagpanaw ng boyfriend: 'Ang daya mo...'

WASAK na wasak ngayon ang puso ng Kapuso actress na si Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab.

Ayon sa ulat, namatay si Jeremy, na dating vice mayor ng Wao, Lanao del Sur, nitong nagdaang Linggo, January 28, dahil sa heart attack. Read more…

#6: Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

Daniel Padilla

SPOTTED ang Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla sa isla ng Siargao na pumapartey kasama ang ilang mga kaibigan.

Viral ngayon ang isang TikTok video kung saan makikita ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na nag-eenjoy sa pagkanta sa harap ng audience.

Hindi lang malinaw kung kailan ito nangyari, pero base sa mga comments ng netizens mukhang recently lang ito  nang magbakasyon sa Siargao ang binata kung saan kasama rin daw niya ang kapatid na si Magui. Read more…

#5: Maja, Rambo baby girl ang unang magiging anak: ‘Dragon siya. Rawr!’

Maja, Rambo baby girl ang unang magiging anak: 'Dragon siya. Rawr!'

“IT’S a baby girl!” Yes! Babae ang magiging panganay na anak ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Sa kanilang mga Instagram account, nag-post sina Maja at Rambo ng mga naging kaganapan sa naganap na gender reveal para sa kanilang first baby kagabi, January 31, sa M Residences, Acacia Estates sa Taguig City. Read more…

BAKA BET MO: Bea Alonzo, Dominic Roque may tampuhan, sey ng malapit sa kanila

#4: Kathryn, Jericho spotted together, may ‘something’ nga ba?

Kathryn, Jericho spotted together, may 'something' nga ba?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang post ng isang netizen kung saan makikitang magkasama ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.

Kinumpirma ni Kathryn na totoong nagkasama sila ni Echo sa isang night jog session na nag-viral at nag-trending pa nga sa social media.

Kuwento ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla, ang kaibigan niyang si John Manalo ang nag-imbita sa kanya na mag-join sa night workout nila ng kanyang uncle na si Jericho. Read more…

#3: Jericho, Kim naghiwalay noon pang 2019, kinumpirma ng ninong nila sa kasal

Jericho maraming tinanggihang pelikula noong naghiwalay sila ni Kim

ANG matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ay pinatotohanan ng ninong nila sa kasal na si Ricco Ocampo.

Si Ricco rin ang piping saksi simula nu’ng magligawan ang nagkahiwalay na celebrity couple.

Mas lalo pang umugong na talagang wala na ang dalawa nang banggitin ito ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” base sa sources niya at nagkaroon na nga raw ng hatian ng properties. Read more…

CHIKA PA MORE: Paghihiwalay daw nina Bea at Dominic may konek sa prenup agreement?

#2: Enrique Gil, Liza Soberano staying strong pa rin: ‘We’re just really busy’

Enrique Gil, Liza Soberano staying strong pa rin: ‘We’re just really busy’

PHOTO: Instagram/enriquegil17

MASAYANG-MASAYA pa rin together ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

‘Yan ang kinumpirma mismo ni Enrique sa gitna pa rin ng kumakalat na chikang hiwalay na ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula noong nakaraang taon, naging usap-usapan sa social media ang breakup ng dalawa. Kahit nga mismo ang dating talent manager ng aktres na si Ogie Diaz, ibinalita na hiwalay na sina Enrique at Liza.

Ngunit lahat ‘yan ay itinanggi at pinabulaanan ng aktor noog July 2023. Read more…

#1: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz

Bea Alonzo 'di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

“SABI ng isa kong source, wala na sila, hiwalay na sila,” ito ang pasabog ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update.”

Nagsimula kasing umingay ang isyung may ‘hiwalay’ na ang dalawa na ilang okasyong dinaluhan ng aktres na hindi nito suot ang engagement ring niya.

Marami namang ispekulasyon ang netizens tungkol sa umano’y breakup ng celebrity couple, kabilang na riyan ang issue about prenuptial agreement. Read more…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending