Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens

Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

Ervin Santiago |February 01,2024
facebook
share this

Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

Ervin Santiago - February 01, 2024 - 10:26 AM

Daniel party-party sa Siargao, tinuksu-tukso ng netizens kay Andrea

Daniel Padilla

SPOTTED ang Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla sa isla ng Siargao na pumapartey kasama ang ilang mga kaibigan.

Viral ngayon ang isang TikTok video kung saan makikita ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na nag-eenjoy sa pagkanta sa harap ng audience.

Hindi lang malinaw kung kailan ito nangyari, pero base sa mga comments ng netizens mukhang recently lang ito  nang magbakasyon sa Siargao ang binata kung saan kasama rin daw niya ang kapatid na si Magui.

Pak na pak sa mga fans ni DJ ang pagkanta niya ng “Adik Sa ‘Yo” dahil talagang feel na feel daw nito habang binibitiwan ang bawat lyrics.

May mga TikTok users naman ang nagsabi na karapatan din ni Daniel ang magpakaligaya matapos ang breakup nila ni Kathryn.

Baka Bet Mo: High-end store ni Daniel Padilla sa QC magsasara na umano, ayon kay Ogie Diaz

Kailangan daw niya ito para tuluyan nang maka-move on sa nawasak nilang relasyon nila ni Kath.

Isang netizen naman ang nanukso kay Daniel at sinabing huwag na itong mag-alala dahil nandiyan naman daw si Andrea Brillantes na sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay ang KathNiel.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens na nakapanood sa viral TikTik video ni Daniel.

“Payag ako maging bagong kathryn ng buhay mo Dj!!”

“Hahanapin mo kung kailan wala na sayo.”

“Aba kala ni Kath sya lng may kayang mag inom at pumartey.”

“That depression is not visible. For the wounds that never heal.”

“Anjan lang si blythe para sayo deej. No worries.”

“Hirap mo bitawan Daniel huhuhu ikaw kasi ba naman first artist na minahal ko huhuuu.”

“May laman. hirap neto yung hinahanap hanap mo yung 11 years nagtiis sayo.”

“Alam mo, palibhasa alam mo pano ko kunin ulet eh! isang kanta, isang ngiti, isang halik wala! imiiikot nanaman ulet mundo ko sayo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Before ako naging kathniel fan, isa muna akong adik na adik sayo DJ.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending