Daniel Padilla isasara na umano ang high-end store sa QC

High-end store ni Daniel Padilla sa QC magsasara na umano, ayon kay Ogie Diaz

Reggee Bonoan - January 26, 2024 - 09:02 AM

High-end store ni Daniel Padilla sa QC magsasara na umano, ayon kay Ogie Diaz

PHOTO: Instagram/@supremo_dp

MULA nang pumutok ang balitang binenta ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang Chevrolet Corvette Stingray C7 sports car ay sumunod naman napabalita ang unang bahay na naipundar niya nu’ng bago palang siyang mag-artista.

Ang inang si Karla Estrada raw ang nag-post na for sale ang bahay nila sa halagang P50M pero paglilinaw naman ng malapit sa pamilya ay noong nakaraang taon pa ito ibinebenta dahil gusto nilang lumipat sa South at mas malaki ang bahay na nilipatan.

Bukod sa negosyong barber shop ay may pag-aari rin palang skate lifestyle store ang aktor na naglalaman ng latest clothing apparel na ginagamit sa skate boarding.

Ayon sa balita ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na in-upload noong January 25 ay may source ang una na may 16 branches ang high-end store ni Daniel.

“Si Daniel Padilla pala ay shareholder ng ilang branches ng (pangalan ng store) shopping store and online. Meron siyang labing-anim na branches, ‘yung ilan doon ay kasosyo si Daniel,” kuwento ni Ogie.

Baka Bet Mo: Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

Tinanong naman ni mama Loi kung may solong pag-aari si Daniel, “ay meron siyang solo, ito’ yung branch ay nasa UP Town (Center-Quezon City) at Loi across the board as in lahat ng stores ay up to 70% ang discount na ibinibigay (nagulat si mama Loi) kasama diyan ‘yung pag-aaring store ni Daniel.”

Nabanggit na may shares din sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia sa ibang branch.

“Pero itong kay Daniel (branch) ay mukhang hindi na magre-restock pinauubos na lang at hindi na magdadagdag ng stocks,” balita ni Ogie.

“Magsasara na ba?” tanong ni mama Loi.

“’Yun ang nakarating sa akin pero ayaw ko pa ring maniwala na magsasara, ang gusto ko lang paniwalaan for now ay up to 70% off kaya dapat samantalahin n’yo ‘yan lalo na sa fans na naniniwala pa rin kay Daniel,” diin ni Ogie.

Dagdag pa, “‘Itanong natin sa (pangalan ng store), magsasara na ba o pinuubos lang ang mga sizes para sa mga darating na bagong design?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang banda ay may opinyon naman si Ogie na baka kaya magsasara ay dahil may ibang itatayo o sososyohang negosyo si Daniel na isang resort somewhere in Zambales dahil na-inspire raw ito sa resort ni Gerald Anderson na dinadayo ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending