Lotlot napagalitan nina Nida Blanca at Chito Roño sa shooting

Lotlot de Leon napagalitan nina Nida Blanca at Chito Roño sa shooting

Ervin Santiago |January 09,2024
facebook
share this

Lotlot de Leon napagalitan nina Nida Blanca at Chito Roño sa shooting

Ervin Santiago - January 09, 2024 - 12:35 AM

Lotlot de Leon napagalitan nina Nida Blanca at Chito Roño sa shooting

Lotlot de Leon

NAKATIKIM din ng pamboboldyak ang premyadong aktres na si Lotlot de Leon mula sa mga veteran stars at direktor noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Isa raw sa mga veteran stars na hinding-hindi niya makakalimutan sa ilang dekadang career niya sa showbiz ay ang yumaong aktres na si Nida Blanca.

Naikuwento niya ito sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Isla Babuyan” na pinagbibidahan ng baguhang actress-singer na si Geraldine Jennings.

Si Lotlot ang gaganap na nanay ni Geraldine sa nasabing pelikula na isang “romantic tragicomedy”. Inilarawan itong “dark, sexy, disturbing and very sarcastic romance, and a surreal soap opera.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)


Ayon kay Lotlot, tinanggap niya ang “Isla Babuyan” dahil nais niyang suportahan ang mga aspiring actress na may talent at talagang desididong gumawa ng sariling pangalan sa showbiz.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez may ‘bago’ na raw ayon kay Lotlot de Leon

Sabi ng aktres, dumaan din siya sa mga challenges bilang baguhan at sinuportahan din siya ng mga  veteran stars sa showbiz.

Sey pa ni Lotlot, 14 years old lamang siya nang magsimulang mag-artista at may mga pagkakataong napapagalitan din siya ng kanyang mga katrabaho.

Isa raw sa mga tumatak sa isip niya ay nang sitahin at pangaralan siya ng premyadong veteran actress na si Nida Blanca noong nabubuhay pa ito dahil sa pagiging late niya.

“I remember, noong nagsisimula ako, sobrang lagare ako noon as in sobra and we were doing ‘Prinsesang Gusgusin’ (isa sa mga blockbuster movie niya).

“Napagalitan ako ni Tida Nida, may she rest in peace, Nida Blanca,” pagbabahagi ng aktres.

Sinabihan daw talaga siya ng yumaong aktres na dapat ay professional siya pagdating sa oras.

Paliwanag naman ni Balot, nu’ng mga panahong yun ay sunod lang siya nang sunod kung ano ang sabihin at iutos ng mga namamahala ng kanyang career.

Kung ano raw ang instructions sa kanya ng kanyang manager ay sinusunod niya nang walang tanong-tanong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldine (@geraldinejennings_)


Ngunit sey ni Lotlot, mula noon ay naging marespeto na siya sa oras ng kanyang mga katrabaho at talagang isinapuso niya ang payo ni Nida Blanca.

Baka Bet Mo: True ba…Lotlot nakipag-ayos na raw kay Ate Guy; binantayan ang ina nang magkasakit?

Mas naging professional din siya sa kanyang trabaho dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao na porke anak siya ng Superstar na si Nora Aunor at ng award-winning actor na si Christopher de Leon ay binibigyan siya ng special treatment.

Pagpapatuloy pa ni Lotlot, “Napapagalitan din po ako ng direktor, nasasabihan ako pag nagkakamali ako.”

Nakatikim din daw siya noon sa veteran director na si Chito Roño habang nagsu-shooting at talagang iniyakan daw niya yun. Du’n daw niya nasabi na parang ayaw na niyang mag-artista.

Pero sa huli, na-realize niya na ang lahat ng pangaral at paninita sa kanya ng veteran stars at direktor ay para rin sa kanya.

Samantala, malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang “Isla Babuyan” kung saan kasama rin sina Jameson Blake bilang leading man ni Geraldine, Nathalie Hart, Paolo Gumabao, Dave Borneo, Samantha Da Roza at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is produced by Solid Gold Entertainment mula sa direksyon ni Abdel Langit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending