Janine Gutierrez may 'bago' na raw ayon kay Lotlot de Leon | Bandera

Janine Gutierrez may ‘bago’ na raw ayon kay Lotlot de Leon

Therese Arceo |December 14,2021
facebook
share this

Janine Gutierrez may ‘bago’ na raw ayon kay Lotlot de Leon

Therese Arceo - December 14, 2021 - 03:43 PM

Janine Gutierrez may 'bago' na raw ayon kay Lotlot de Leon

NAKA-MOVE on na nga ba ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa kanyang nagtapos na apat na taong pakikipagrelasyon sa Kapuso star na si Rayver Cruz?

Kamakailan kasi ay nag-guest ang aktres kasama ang kanyang nanay na si Lotlot sa “Madlang Pipol” segment ng “It’s Showtime”.

Sa kalagitnaan ng show ay sumingit ang host na si Ogie Alcasid dahil may kakaiba siyang napansin sa aktres.

“Sandali, sandali. Pwede bang magbigay ng obserbasyon? Kasi iba ‘yunu ngiti ni Janine ngayon,” singit ni Ogie.

Agad naman itong sinundutan ni Vice Ganda ng “Does she looks happy or she’s just hiding something?”

Nakisali na rin sa tanungan si Kim Chiu at tinanong kung happy nga ba ang aktres.

“Happy to see you Kim,” masayang saad ni Janine.

Dito ay nagsimula nang magsanib pwersa sina Ogie at Vice Ganda sa pang-iintriga sa aktres.

“Ang sabi ni Ogie, itanong ko raw kay Lotlot kung sino ang gusto niya para kay Janine,” sabi ni Vice.

“May choices ba?” tanong ni Lotlot sabay baling sa anak, “Sino ba anak?”

Tumalikod naman si Janine sa ina sabay sabing “O bakit ako? Ikaw daw e.”

Sey naman ni Lotlot, “Basta kung saan siya masaya doon ako.”

“May nangyari ba kay Janine?” pang-iintriga ni Kim at pabirong sinisi si Ogie ma bulong raw ng bulong.

“Hindi, sa tingin mo saan ba siya masaya or kanino?” paglilinaw naman ni Ogie.

“Kung saan, dito (ABS-CBN). Sobrang saya n’ya dito. Mayroon siyang bago, ‘di ba anak?” sabi ni Lotlot na gumimbal sa mga “It’s Showtime” hosts.

“Oh my god! Si Janine daw may bago!” saad ni Vice pati nga ang mga hosts ay nagkagulo.

“Teka! Teka! Teka! Bagong palabas next year!” paglilinaw ni Janine.

“Ah. Yan ‘yung kasama si Lovi?” singit muli ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Ang sinasabing “bago” ni Janine ay ang bagong project niya sa iWantTFC kasama ang bagong Kapamilya artist na si Lovi Poe na pinamagatang “Sleep With Me”.

Ang “Sleep With Me” ay isang GL (girl love) story ng isang wheelchair-bound radio DJ at isang babae na may sleeping disorder.

Related Chika:
Wish ni Janine tinupad nina Lotlot at Monching; may message para sa lahat ng broken family

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending