Gerald hinding-hindi makakalimutan si Carlo: Sobrang na-touch ako sa ginawa niya | Bandera

Gerald hinding-hindi makakalimutan si Carlo: Sobrang na-touch ako sa ginawa niya

Julie Bonifacio - January 26, 2020 - 01:05 AM

GERALD ANDERSON AT CARLO AQUINO

IBINAHAGI ni Gerald Anderson ang pinagdaanan niyang hirap at sakit sa break-up nila ni Bea Alonzo pati na ang panlalait sa kanya nang ma-link kay Julia Barretto sa “Magandang Buhay” recently.

Bumisita si Gerald sa morning show nina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal kasama ang iba pa niyang kasamahan sa bagong Kapamilya series na “A Soldier’s Heart” na nagsimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sumalang sa tanungan si Gerald with Carlo Aquino, Vin Abrenica, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Yves Flores and Nash Aguas. Kuwento ng ex-BF ni Bea, humingi siya ng advice sa co-stars niya sa serye pero hindi niya sinabi na siya mismo ‘yung involved kundi isang malapit na kaibigan niya.

“Kasi, nu’ng time na ‘yun, parang nasa akin lahat. Parang, may makaka-relate kaya sa akin? Iba ‘yung feeling na parang…so, nu’ng nagkwento, ‘yung kaibigan ko kasi ganito. Tapos parang, sabi niya, ‘Ay, oo, Bro.’ Gumaan agad ang pakiramdam ko na parang, ‘Ah, okey. Normal.’ Hindi lang pala ako nag dumadaan sa ganito,” ani Gerald.

Kuwento pa ni Gerald, “And then, ‘yung medyo, yung pinaka-peak lahat nu’ng judgment, at ‘yung pinagdaanan, ako masasabi ko hindi ko ‘yun maliligtas kundi dahil kay ‘Soldier’s Heart’ at sa grupo na ‘to. Dahil makita ko lang sila, nandoon na kami, magba-basketball.

“Time break, or ‘yung kakain kami sa labas. Kakain kami sa kampo. Sobrang sarap na may ganito ako. So, uh, I think Papa God gives you these challenges at the right time in your life. Alam niya na, uh, ano ‘yung quote na ‘yun? He gives the worst challenges to the strongest soldiers. Isa ‘yan sa mga na-realize ko,” lahad pa ng aktor.

Hindi naman daw siya umiyak nu’ng nagkukuwento siya, “Hindi naman siya ‘yung parang iyak, e. More of ano lang, parang naghahanap ako ng tao na makikinig sa akin, makakaintindi. And then, ‘yung walang judgment.”

Meron daw silang group chat called Team Charlie. Ang “Charlie” daw ay isang militray code, “Pero nu’ng may pinagdadaan ako, siyempre alam ninyong lahat ‘yun last year, si Carlo ‘yung unang nag-message sa akin. Parang, ‘Okey ka lang?’ Tapos, siyempre, kapag may pinagdadaanan ka napakaimportante noon na, sobrang na-touch ako. Parang siya ‘yung unang nakaalala.”

Madiin namang sinabi ni Carlo, “Hindi naman namin hahayaan na pagdaanan niyang mag-isa ‘yun.”

Incidentally, very close ngayon ang mga ex-girlfriends nina Carlo at Gerald na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo. Kaya malamang naka-relate si Carlo sa pamba-bash kay Gerald sa social media. Alam naman ng lahat na nabiktima rin ng pambu-bully si Carlo noong ibinandera ni Angelica na pinaasa raw siya ni Carlo na magkakabalikan pa sila.

Tungkol naman sa “ASH”, Two years in the making ito hindi pwede madaliin nakita n’yo naman. Hindi rin ako nagdalawang-isip na tanggapin ang project. May respeto kami sa sundalo gusto namin kung ano ang napanood n’yo mag-iiba ang tingin nyo sa sundalo at sa pamilya ng sundalo.

* * *

Samantala, kung heart problem ang topic ni Gerald sa grupo, si Jerome naman ang humihingi ng advice sa kanya tungkol sa kotseng gusto nitong bilhin.

Si Carlo ang “eldest” sa kanila habang si Nash naman ang pinakabata. And yet, pagdating sa money matters and investments, si Nash ang kanilang financial adviser dahil mahusay nga ito sa pera.

Bukod dito, maayos din ang takbo ng relasyon ng dating child star sa kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz.

Bukod kay Nash na bongga ang career at lovelife, inamin din nina Carlo, Jerome at Vin na may GF sila ngayon.

Lastly, maganda rin ang pasok ng 2020 kay Yves dahil bukod sa “ASH” ay ipalalabas na din ang zombie movie nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto titled “Block Z”. Showing na ito sa Jan. 29.

Sa “Magandang Buhay” din ni-reveal ni Yves na malaking inspirasyon niya sa pagpasok niya sa showbiz si Gerald.

“Sila kasi yung first PBB Teens. Tapos sabi ko, ‘Ano kaya, mabait ba siya o ano?’ Tapos nu’ng nag-taping na kami (para sa A Soldier’s Heart), nagkasama na kami, parang welcome siya, ‘Ah, mabait pala siya,” lahad ni Yves.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, ang daming napulot na lessons in life ng mga momshies ng “Magandang Buhay” mula sa members of the cast ng “A Soldier’s Heart.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending