LIST: Mga paalala ng Quiapo church para sa Traslacion 2024
ILANG araw nalang, aarangakada na ang inaabangang pagbabalik ng Traslacion o prusisyon ng pista ng Itim na Nazareno.
Kaya naman, may mga paalala ang Quiapo church upang mapanatili ang kaligtasan at maiwasan ang masaktan sa gitna ng prusisyon.
Narito ang listahan ng mga do’s and don’ts:
- Bawal akyatin o sampahan ang andas ng Itim na Nazareno.
- Huwag magtulakan.
- Iwasang magdala ng maraming bagay o malalaking bag. Gumamit ng transparent na bag para sa mas madaling inspeksyon.
- Para sa mga indibidwal na may sakit at mga bata, manatili sa gilid ng kalsada.
- Huwag kalimutang kumain upang magkaroon ng sapat na lakas habang nasa prusisyon.
- Pinapayagan pa rin ang pagpunas ng panyo sa life-size religious icon Lord Jesus Nazarene.
- Ang pagdadala ng crossbeam at paghila ng lubid ay pinapayagan pa rin, ngunit gawin ito ng lubos na may pag-iingat.
- Panatilihin ang paggamit ng face mask at ugaliin ang social distancing para sa mga dumadalo sa banal na misa.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng sombrero, payong, at hoodies.
- Bawal ang pagse-setup ng camping tents, lalo na sa mga nais mag-overnight.
- Bawal ang pagdadala ng tumblers, sa halip ay gumamit ng transparent water bottles.
Baka Bet Mo: #WalangPasok: January 9 idineklarang non-working holiday sa Maynila
Gaya ng mga nauna naming naisulat, ang isa sa mga malaking pagbabago sa Traslacion ngayong taon ay ‘yung hindi na pwedeng akyatin ang andas ng Black Nazarene.
Sa katunayan nga ay ipinasilip na ng Quiapo church ang bagong disenyo ng karwahe kung saan ay tinakpan na ito ng makapal na tempered glass.
Reminder lang din na patuloy na tumataas ang kasi ng COVID-19 sa bansa kaya naman mahigpit na pinapaalalahanan ang mga deboto na sumunod sa minimum health protocols.
Kabilang na riyan ang pagsusuot ng face masks at physical distancing.
Ayon sa simbahan, sisikapin nilang limitahan ng hanggang 750 na katao ang nasa loob ng basilica, habang 3,000 naman ang papayagang nasa labas.
Inaasahan din na ang prusisyon ay tatagal ng hanggang 16 na oras.
Ang taong ito ang kauna-unahang Black Nazarene procession mula nang masuspinde ito ng tatlong taon dahil sa pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.