Marian kinilig sa netizen na ‘napamura’ sa comeback movie nila ni Dingdong
KAHIT pinagmumura silang mag-asawa ng isang fan, kinilig pa rin ang aktres na si Marian Rivera.
Paano ba naman kasi, napamura ito sa bilib at pagkamangha matapos mapanood ang comeback movie ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes na entry rin ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 – ang romantic drama film na “Rewind.”
Proud pa ngang ibinandera ni Marian ang komento ng netizen at aminadong kinilig siya sa sinabi nito.
“T*ng*na ni Marian Rivera, napakagaling! T*ng*na mo rin Dingdong Dantes! T*ng*na niyong dalawa!!!” sey ng netizen.
Ani pa nito, “Napakahussaaayyy!!!”
Sey naman sa IG caption ni Marian, “Maligayang Pasko sayo. Napakilig mo ako [blowing a kiss emoji] #REWINDMMFF [folded hands emoji]”
Baka Bet Mo: Marian never naisipang magparetoke: ‘Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako’
Bentang-benta naman sa maraming netizen ang post ng aktres at may iilan din ang nag-agree sa naging pahayag ng fan.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA ISANG MALUTONG NA PASKO PO [smiling with heart eyes emojis]”
“MANOOD!!! KUNG AYAW NYONG MAMURA!!! [laughing emojis]”
“Trending ang Marian Rivera, DongYan at Rewind galing! Sinipon ako sa inyo DongYan grabeh! [laughing emojis]”
“Kakatapos ko lang mapanood Ate Yan [sad face, red heart emojis] super ganda. Will watch with my family again”
“Lutong ah pero at least kinilig si Miss Marian [laughing emoji]”
Ang pelikulang “Rewind” ay ang love team reunion ng mag-asawa makalipas ang 13 years.
Ang romantic drama film ay tungkol sa istorya ng isang couple na sina John at Mary na nahaharap sa mga pagsubok ng kanilang marriage na nais balikan ang kanilang mga nakaraang karanasan upang panatilihing buhay ang kanilang pag-iibigan.
Mapapanood ito hanggang January 7 sa mga lokal na sinehan nationwide kasabay ng ilan pang MMFF 2023 official entry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.