Boy Abunda natupad ang wish na umeksena sa Bubble Gang: Sabi nga nila, ‘death is easy, comedy is harder’
NATUPAD na ang isa sa mga wish ng premyadong TV host na si Boy Abunda mula nang lumipat siya sa bakuran ng GMA 7.
Isa si Tito Boy sa mga special guests na mapapanood sa 2-part 28th anniversary special ng longtime gag show sa bansa, ang “Bubble Gang.”
Talagang feeling blessed and lucky ang Kapuso TV host dahil nabigyan nga siya ng pagkakataon na mapasama sa iconic comedy show ng GMA 7 na halos tatlong dekada nang umeere sa telebisyon.
Sa Thursday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ipinakita ang patikim na sketch na ginawa ng TV host kasama ang cast members ng “Bubble Gang” sa pangunguna ng comedy genius na si Michael V.
“Ito ‘yung isang guesting that I look forward to. I was so excited to do it. I didn’t know what was going to happen, pero sobra ho akong excited gawin ang Bubble Gang,” sey ng nag-iisang King of Talk.
Aniya pa, “I had the chance to work with Bitoy na isang henyo sa larangan ng komedya,” aniya pa.
Tuwang-tuwa si Tito Boy sa mga ginawa niyang sketch sa “BG” kung saan hiniram ang mga ginagamit niyang salita sa “Fast Talk with Boy Abunda” tulad ng “Nay” at “Tay” (nanay at tatay).
View this post on Instagram
“Hindi ko naisip na puwede nilang magawan ng buong sketch ang mga salitang ito, and it came out so funny. I went to the set and it’s a happy set,” ani Tito Boy.
Paglalarawan pa ni Tito Boy sa pagsabak niya sa comedy, “Dito ko naunawaan na hindi mo puwedeng maplano ang lahat ng nangyayari sa komedya.
“A lot of the things that happened in the taping of Bubble Gang, siyempre nanggagaling po sa henyo ni Michael V., ay listening to that moment. Kaya sabi nga nila, ‘death is easy, comedy is harder,’” aniya pa.
Mensahe pa ng premyadong TV host, “Bitoy, Paolo (Contis), lahat kayo riyan, congratulations! Bravo! Mabuhay po ang Bubble Gang. I am really happy that I did this show.”
Mapapanood ang “Bente O-chew” anniversary special ng “Bubble Gang” ngayong araw, November 19 at sa November 26, 6:35 p.m. sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.