Ryan Bang happy na nakasama sina Bitoy, Paolo sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n’yo!’

Pauline del Rosario - September 28, 2023 - 12:31 PM

Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n'yo!’

PHOTO: Instagram/@ryanbang

PROUD na ibinandera ng TV host na si Ryan Bang ang kanyang kaabang-abang na TV guesting sa isang comedy show ng GMA.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, excited na ipinasilip ni Ryan ang ilang behind-the-scenes moments habang nagte-taping sa “Bubble Gang.”

Makikita na nakasama niya sa nasabing programa ang ilang cast members. 

Kabilang na riyan sina Michael V., Paolo Contis, Chariz Solomon, Buboy Villar, Kokoy de Santos at Analyn Barro.

Baka Bet Mo: Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n'yo!’

PHOTO: Instagram Stories/@ryanbang

Tila tuwang-tuwa talaga si Ryan sa kanyang magiging appearance dahil hindi rin niya napigilang ikuwento ito sa madlang pipol, pati na rin sa mga kasamahan niya sa noontime show na “It’s Showtime.”

Ibinunyag pa nga niya na mapapanood siya sa “Bubble Gang” sa susunod na buwan.

“Kagabi, nag-taping ako sa wakas ng ‘Bubble Gang.’ Guest ako kaya abangan niyo,” sey ni Ryan sa kanyang fellow hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu at Karylle. 

Dagdag pa niya, “Kumusta daw kayo, sana daw mag-guest daw kayo ulit lahat do’n.”

Kung maaalala, noong June 28 nang maganap ang contract signing sa pagitan ng mga big bosses ng Kapuso at Kapamilya network para mas mapalawak pa ang pagpapalabas ng “It’s Showtime.“ 

Noong June 30 naman nang huling umere ang nasabing show sa TV5 at kasabay nga niyan ay nagpaabot ng pasasalamat si Vice Ganda sa mga pamunuan ng istasyon.

Sey niya, “Gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon at oportunidad na makagamit po ng inyong bahay, sa pagkupkop sa amin na kahit hindi man masyadong matagal, panandalian, ay napakalaking tulong po n’un sa amin, sa aming pamilya, sa madlang pipol.”

Ani pa niya, “Napakalaking pabor po ‘yung binigay ninyo sa amin. Kaya naman po, ilang kabanata man ang maisulat namin mula sa araw na ito, saan man mapunta ang istorya ng ‘It’s Showtime’ bibitbitin namin ang kabanatang ito kung saan nakaramdam din po kami ng saya mula sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa amin.”

Related Chika:

Paolo sa bagong Bubble Gang: Kailangan mas maingat dahil mas balat-sibuyas ang mga tao ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinu-sino ang mga natsugi sa ‘bagong version’ ng Bubble Gang ngayong 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending