Sinu-sino ang mga natsugi sa ‘bagong version’ ng Bubble Gang ngayong 2022?
NAGKAROON na naman pala ng tsugihan portion sa Kapuso longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang.”
Simula sa May 27, hindi n’yo na mapapanood ang mga dating miyembro ng comedy show ng GMA 7, pero don’t worry dahil may ilan namang bagong darating na makakasama ng tropa ni Michael V tuwing Biyernes ng gabi.
Ang “Bubble Gang” ay nagsimula noong Oct. 20, 1995 at hanggang ngayon ay nananatili pa rin itong number one sa GMA 7 Friday night timeslot.
Ang mga natanggal sa programa ay sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa mga pioneer cast member na si Antonio Aquitania.
Sa naganap na virtual presscon para sa mga bagong announcement ng production last May 13, ipinaliwanag ni Bitoy ang naging desisyon ng management sa pagbabagong-bihis ng “Bubble Gang.”
Ayon kay Michael V. personal niyang kinausap ang mga artistang natanggal sa show, “Ako, I felt the need to explain to them somehow, give them an insight kung bakit siguro nagkaroon ng ganoong dahilan.
“Unang-una para hindi talaga sumama yung loob nila, and, at the same time, para ma-inspire sila na hindi naman ito yung pagtatapos talaga.
“Kasi this could probably be the beginning for some of them na simulan uli yung journey pabalik sa show.
View this post on Instagram
“Kasi lagi namang bukas yung Bubble Gang for talents na kakailanganin namin and since naging part na rin sila, I’m pretty sure they’ll find their way back,” pahayag ng award-winning veteran comedian.
Ang mga masusuwerteng naiwan sa gag show ng GMA sa direksyon ngayon ni Frasco Mortiz ay sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Kokoy de Santos at Paolo Contis.
Ang mga nadagdag naman sa mga ka-Bubble ay sina Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi at Kim de Leon.
Ano nga ba ang naging reaksyon ni Bitoy nang malamang magkakaroon ng pagbabago sa show? “It’s inevitable naman ano kasi lahat naman, dinamdam yung pandemic and it’s a celebration as well.
“Hindi naman natin sinasabing tapos na ang pandemic, pero we have more freedom right now na gawin yung mga dating nagagawa, although all be it, mas cautious na kami now.
“And I think, yung pagpapalit ng cast, paglalagay ng mga bagong segments, ito yung much-needed improvement sa show,” aniya.
Katwiran pa niya, “Hindi kasi puwedeng maging stagnant yung Bubble Gang, it has to grow and it has to expand and I think this is the best way na gawin yun.
“Yung platform, kailangan nating intindihin, e. Hindi puwedeng TV show na lang tayo, e.
“Ang dami nang platforms sa social media so I think, since trying to stay relevant yung show, siguro pati yung platform na pinaglalabasan niya, dapat maging relevant din.
“Hindi lang TV yung ini-inculcate natin ngayon kung hindi social media rin and at the same time, pabalik din, yung mga nasa social media, pwede natin ilagay sa TV show so maganda yung working relationship ng TV show at ng audience,” esplika pa ni Bitoy.
https://bandera.inquirer.net/292102/xian-super-fan-ni-bitoy-natulala-nang-makita-ang-tropa-ng-bubble-gang
https://bandera.inquirer.net/303740/ilang-kapuso-stars-matindi-ang-loyalty-sa-bubble-gang-napakaswerte-namin-grabe
https://bandera.inquirer.net/298255/kilala-nyo-naman-si-paolo-strong-talaga-yun-madali-siyang-maka-recover
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.