Ryan Bang umamin: 'Ang Korean girlfriend selosa, ang Pinay mas selosa!' | Bandera

Ryan Bang umamin: ‘Ang Korean girlfriend selosa, ang Pinay mas selosa!’

Ervin Santiago |August 13,2023
facebook
share this

Ryan Bang umamin: ‘Ang Korean girlfriend selosa, ang Pinay mas selosa!’

Ervin Santiago - August 13, 2023 - 06:51 AM

Ryan Bang umamin: 'Ang Korean girlfriend selosa, ang Pinay mas selosa!'

Ryan Bang

MARAMING Kapuso viewers ang natawa at naaliw sa Koreanong komedyante na si Ryan Bang nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Kaya naman hindi na kami magtataka kung isang araw ay mapanood na rin ang Kapamilya comedian sa mga show ng GMA 7, kabilang na riyan ang “Bubble Gang“.

Kasama ring na-interview ni Tito Boy si Jhong Hilario sa nasabing episode ng “Fast Talk” kaya mas naging kuwela at exciting ang programa dahil napakarami nilang rebelasyon.

Isa sa mga ikinatawa ng viewers at netizens ay ang naging sagot ni Ryan Bang sa tanong ng King of Talk na, kung sakaling magkakaroon siya ng project sa GMA, sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang maging leading lady.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang sagot ni Ryan ay ang GMA Senior Vice President na si Annette Gozon-Valdes, “Oo! Mukha siyang Korean. Bagay kami.”

Komento naman ni Tito Boy, “Alam mo, marunong kang pumili ha.”

“Oo, leading lady. Para pagkatapos ng Fast Talk With Boy Abunda, 24 Oras, five hours ang teleserye namin,” ang hirit na biro pa ni Ryan.

Sa nasabing panayam, inamin ni Ryan na may nililigawan siya ngayon na isang Filipina kaya natanong siya ni Tito Boy kung ano ba ang pagkakaiba ng isang girlfriend na Koreana sa girlfriend na Pinay.

Baka Bet Mo: Juday inaatake ng ‘sepanx’ sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school

Sagot ni Ryan, “Ang Korean girlfriend selosa. Ang Pinay mas selosa. Ha-hahahaha! Pero maalaga kasi ang mga Pinay, mas maalaga.”

* * *

Hindi na lang sa telebisyon mapapanood ang mga vocal diva ng “All-Out Sundays” (AOS) na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Prescillas, at Rita Daniela.

Magkakaroon na rin sila ng sarili nilang live concert – ang “Queendom: Live.” Gaganapin ito sa December 2 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.

Last Sunday nga sa “AOS” ni-reveal ang good news na ito at simula August 14 pwede na bumili ng ticket exclusively sa www.gmanetwork.com/synergy at ticketworld.com.ph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


For sure, patok ito sa fans at concert enthusiasts dahil ito ang first-ever live concert ng mga hinahangaang AOS divas. Matagal na itong hinihintay ng fans nina Julie, Jessica, Thea, Mariane, Hannah, at Rita na laging inaabangan ang performances nila sa Queendom segment sa AOS.

Knowing GMA, marami na namang pasabog at exciting surprises ang ihinahanda nila para rito. Gaya ng award-winning “Limitless: A Musical Trilogy” ni Julie, siguradong engrande at world class ang production nito dahil ito rin ay mula sa GMA Synergy at GMA Entertainment Group.

Kaya naman huwag nang magdalawang-isip pa, save the date, at bumili na ng ticket bago pa magkaubusuan.

Nadine Lustre may payo sa mga ‘selosa’: You have to fully trust your partner!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending