UMAARANGKADA si Michelle Marquez Dee sa Miss Universe 2023 competition mula pa nang lumapag siya sa El Salvador.
Bago ang coronation night sa darating na Linggo, November 19 alas-9 ng umaga (oras dito sa Pilipinas), ay kilalanin muna natin ang ating pambato.
BACKGROUND
Ipinanganak si Michelle Daniela Marquez Dee noong April 24, 1995.
Ang inspirasyon niya ay ang kanyang nanay na isa ring dating beauty queen at artista na si Melanie Marquez. Ayon kay Michelle Dee, pinalaki ang nanay niya bilang isang malakas na indibidwal.
Kahit dating beauty queen si Melanie, hindi niya pinilit si Michelle sumabak sa mga beauty pageant.
“My mom is with me 100%. Did she force me to join the pageant? No, she did not—even my first pageant, she didn’t. But she believes that I’m capable of greater things and a greater version of myself, and she supports me through and through,” kwento ni Michelle.
View this post on Instagram
Bakas din ang kanyang Tsinoy blood.
Tinuruan umano ng kanyang tatay, ang dating action star Derek Dee, si Michelle kung paano mag-meditate—ito raw ay lubos na nakinabang sa kanyang mental health.
Ang kanyang lola, Regina Dee, ay tagapagtatag ng Inner Peace Foundation, isang foundation na tumutulong sa spiritual enlightenment. Si Michelle ay ang kasalukuyang pangulo ng foundation.
“I consider my grandmother, my father’s mom, to be one of my greatest sources of inspiration — how I live my life, my perspective in life as well,” sa kanyang panayam sa Pep.
BEAUTY, BRAINS, & BRAWN
Hindi lang maganda — kundi matalino and astig din!
Nakapagtapos siya ng BS Psychology sa De La Salle University noong 2017.
Noong 2020 lockdown, nakuha niya ng certificate para sa Entrepreneurship Essentials sa Harvard Business School Online.
Nag-umpisa siya ng noong Setyembre 2023 para maging Philippine Air Force reservist.
May mga libangan at interes din si Michelle tungkol sa sining and laro. Mahilig siya sa mga isports and ibang mga gawaing pisikal tulad ng motor biking.
Pinahahalagahan din niya ang sining. Mahilig siya sa potograpiya bilang kanyang creative outlet.
Hindi lang sa spotlight ng beauty pageants nagniningning si MMD—sa spotlight din ng mga teleserye at pelikula!
Kabilang si Michelle sa mga teleserye na ‘Agimat ng Agila’ at ‘Mga Lihim ni Urduja,’ bilang sina Serpenta at Freya Dayanghirang-Salazar, parehong kontrabidang tauhan. Sa kabilang banda, belong din si Michelle sa seryeng ‘I Left My Heart in Sorsogon’ bilang si Hazelyn “Hazel” Pangan, ang ex-girlfriend ni Mikoy (Paolo Contis).
ADVOCACIES
Kahit marami siyang bashers, hindi naman niya ikinakahiyang ibandera ang pagiging bisexual at bahagi ng LGBTQIA+ community.
Kahit noon pa bago siya nag-come out nang opisiyal, sumasali na siya sa mga Pride March.
Ang dalawang kapatid ni Michelle Dee, sina Adam at Marzen, ay nasa autism spectrum. Dahil sabay silang lumaki, naiintindihan niya ang mga pakikibaka at pangangailangan ng mga nasa nabanggit na spectrum.
Ito ang kanyang panghabambuhay na adbokasiya. Ito ang kanyang laging dala sa kanyang pageantry experience.
Unang naipanalo ni Michelle ang Miss World Philippines 2019 at nagtapos sa Top 12 ng Miss World 2019 sa London, England.
Sumabak naman siya sa Miss Universe Philippines 2022 at nagtapos bilang Miss Universe Philippines 2022 Tourism.
Ngunit ‘dee pa tapos’ ang laban niya, umarangkada muli siya nitong 2023 sa MUPH at nasungkit na nga ang Miss Universe Philippines crown.
Ngayong darating na linggo ay inaasahang masusungkit ni Michelle Dee ang ikalimang korona ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Magsisilbing backstage correspondent ang huling nakauwi sa bansa ng Miss Universe crown noong 2018 na si Catriona Gray.
Read related chika:
Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.