Michelle Dee, Miss Thailand Anntonia Porsild tinuksu-tukso ng netizens matapos magtawagan ng 'Mommy' at 'Daddy': 'Korona dapat ang iuwi!' | Bandera

Michelle Dee, Miss Thailand Anntonia Porsild tinuksu-tukso ng netizens matapos magtawagan ng ‘Mommy’ at ‘Daddy’: ‘Korona dapat ang iuwi!’

Ervin Santiago |November 14,2023
facebook
share this

Michelle Dee, Miss Thailand Anntonia Porsild tinuksu-tukso ng netizens matapos magtawagan ng ‘Mommy’ at ‘Daddy’: ‘Korona dapat ang iuwi!’

Ervin Santiago - November 14, 2023 - 09:03 PM

Michelle Dee, Miss Thailand Anntonia Porsild tinuksu-tukso ng netizens matapos magtawagan ng 'Mommy' at 'Daddy': 'Korona dapat ang iuwi!'

Michelle Dee at Anntonia Porsild

PINAALALAHANAN ng mga Pinoy pageant fans ang Kapuso actress na si Michelle Dee na titulo at korona ang dapat niyang iuwi sa paglaban niya sa Miss Universe 2023 pageant.

Inulan kasi ng tukso ang pambato ng Pilipinas sa naturang International pageant nang magpalitan sila ng nakakakilig at nakakaintrigang mensahe sa isa’t isa ng pambatong kandidata ng Thailand.

Parehong nasa El Salvador ngayon ang dalawang beauty queen para sa nagaganap ngayong Miss Universe 2023 pageant na pinaniniwalaang naging instant besties nang magkasama sa mga activities ng pageant.

Pinagbigyan din nila ang request ng kanilang mga supporters na magpa-picture nang magkasama matapos mag-post ng mga litrato together suot ang kanilang rehearsal clothes.

At mas naaliw pa na may kasamang kilig ang mga pageant fans sa iba’t ibang panig ng mundo nang magtawagan ng “daddy” at “mommy” sina Michelle at Miss Universe Thailand 2023 Anntonia Porsild sa isang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dahil dito, binansagan sila ng ilang netizens ng “QUEEN DADDY AND MOMMY.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee sa pagkapanalo sa MUPH 2023: #DEEPATAPOS ang laban! Nag-uumpisa pa lang tayo…

Ilang IG at Facebook users tuloy ang nagpaalala na korona dapat ang iuuwi ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa pagbabalik niya sa Pilipinas at hindi si Miss Thailand.

Aminado naman kasi si Michelle na isa siyang bisexual at proud niyang ibinandera sa buong universe ang kanyang sexual preference na tanggap naman ng kanyang mga fans and supporters.

“Okey lang yan.. atleast may lovelife… hahahaha!”

“Haha sana all nalang jud ta ani MMD e uwi mo nalang si tonyang!”

“Expectation: ‘Miss Philippines naiuwi ang MU Crown!’ Reality: ‘Miss Philippines naiuwi si Miss Thailand!'”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hahaha palaaway mga Thai fans kaya iuwi Niya nalng Yan si tonyang!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending