Michelle Dee binalikan ang kabataan kasama ang 2 kapatid na na-diagnose ng autism; kinakarir na ang training para sa Miss Universe PH 2023 | Bandera

Michelle Dee binalikan ang kabataan kasama ang 2 kapatid na na-diagnose ng autism; kinakarir na ang training para sa Miss Universe PH 2023

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:15 AM

Michelle Dee binalikan ang kabataan kasama ang 2 kapatid na na-diagnose ng autism; kinakarir na ang training para sa Miss Universe PH 2023

Michelle Dee kasama ang mga kapatid na sina Mazen at Adam

PINUSUAN at umani ng mga positive at inspiring message mula sa mga netizens ang nakaka-touch na social media post ng Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee.

Ibinahagi kasi ni Michelle na napapanood gabi-gabi sa seryeng “Mga Lihim ni Urduja”, sa publiko ang tungkol sa kundisyon ng dalawa niyang kapatid na may autism.

Sa kanyang “HER story” video, muling nagbigay ng makabagbag-damdaming mensahe tungkol sa kanyang advocacy for autism awareness.

Mapapanood ito sa Empire Philippines YouTube page, kung saan ipinakilala nga  ng Miss Universe Philippines candidate ang mga kapatid niyang sina Mazen at Adam, na parehong na-diagnose ng  autism.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MMD (@michelledee)


Dito, binalikan ng Kapuso star ang pagpunta nila sa Salcedo Park sa Makati, na naging bahagumi na ng kabataan nilang magkakapatid.

Pahayag ng Sparkle artist, “These are my two brothers, individuals on the spectrum. This is Adam (Lawyer), my younger brother. And this is Mazen, my older brother as well. So, all of us grew up here.

“When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of exercise kaya lagi silang tumatakbo dito. Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax,” ang pagbabahagi ng anak ng dating beauty queen at aktres na si Melanie Marquez at former action star Derek Dee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)


Pagpapatuloy pa ni Michelle, “This is why I advocate for autism awareness because my brothers needed it and everyone on the spectrum needs it too.”

“My advocacy is autism awareness. It’s something I had to struggle with my whole life, just, for me, the type of acceptance and understanding to live with them.

“It’s just so heartwarming seeing how much these kids evolved in the last five years. Some of them couldn’t even speak or function five years ago.

Baka Bet Mo: Troy Montero napaiyak sa tuwa nang makapagsalita na ang 4 anyos na anak

“You see so much improvement and it gives me life. It gives me so much inspiration to keep doing what I’m doing,” ang pahayag ni Michelle noon sa isang panayam.

Samantala, muli ngang lalaban si Michelle sa Miss Universe Philippines ngayong taon kaya naman kinakarir niya uli ang paghahanda sa pagrampa sa nasabing national pageant.

Matatandaang noong 2019, umabot ang dalaga sa Top 12 ng Miss World competition sa London, England.

Last year naman, itinanghal siyang Miss Universe Philippines Tourism sa Miss Universe Philippines pageant.

Anak nina Aubrey at Troy may ASD: At first we were confused and questioned ourselves, how and why?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karen Davila 2 linggong umiyak nang ma-diagnose ng autism ang anak: Sinabi ng doctor noon na there is no cure…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending