Troy Montero napaiyak sa tuwa nang makapagsalita na ang 4 anyos na anak
NAGING emosyonal ang dating aktor na si Troy Montero matapos marinig na nakapagsalita ang anak nila ni Aubrey Miles na si Rocket.
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang 4-year-old daughter ng celebrity couple ay na-diagnose ng “Autism Spectrum Disorder (ASD).”
Sa Instagram, proud na ibinandera ni Troy ang isang video clip ng tila therapy session ng kanyang anak.
Mapapanood na kinakantahan ito ng kanyang guro ng “Happy Birthday” song nang biglang nagsalita si Rocket.
Nasambit nito ang katagang, “happy birthday to you.”
Kwento pa ni Troy, naiyak siya habang pinapanood ang nasabing video.
Caption ng dating aktor, “Tears of happiness, hearing four words coming from our non-verbal little girl, ugh [red heart emoji].”
Sey pa niya, “She can say letters and a few select words but until today nothing put together like this.”
Dahil sa tuwa, sinabi ni Troy na ilang ulit na niyang pinapanood ang video.
“We’ve probably watched this video 30-40 times already and for sure we’ll hit 100 by tomorrow,” lahad niya.
View this post on Instagram
Umaasa din siya na kalaunan ay magagawa na ring kumanta si Rocket.
Saad sa post, “Hopefully she’ll sing along as we wish her a Happy Birthday [red heart emoji].”
“Great job my [rocket emoji] we love you so much! We are so proud of you! [heart emoji],” proud na sinabi ni Troy.
Sa isang hiwalay na post, inanunsyo ni Troy na plano ng kanyang pamilya na maglunsad ng “Autism Awareness” ngayong taon.
Ito raw ay magiging kampanya nila upang makatulong sa ibang pamilya na may mga anak na na-diagnose ng ASD.
“Planning to take her Autism Awareness facebook page to the next level in hopes that we may help other families with kids on the Spectrum. Cheers to you all in 2023!,” saad niya sa IG post.
View this post on Instagram
Related chika:
Anak nina Troy at Aubrey na may ASD unti-unti nang nagpapakita ng ‘progress & improvement’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.