Troy, Aubrey umamin sa kumalat na sex video: ‘Sobrang tagal na!’

Troy, Aubrey umamin sa kumalat na sex video: ‘Sobrang tagal na ‘nun!’

Pauline del Rosario - October 10, 2024 - 10:01 AM

Troy, Aubrey umamin sa kumalat na sex video: ‘Sobrang tagal na ‘nun!’

PHOTO: Instagram/@troymontero

NAGING honest ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero nang ma-corner umano ng isang media outlet habang nasa airport.

Agad nilang kinumpirma na ang nasa sex video na nagva-viral recently at pinagpipiyestahan ng netizens ay si Troy.

Ngunit paglilinaw ni Aubrey sa isang eksklusibong panayam, “But matagal na ‘yun, as in sobrang tagal na, years ago na.”

At ‘yan din daw ang dahilan kaya hindi sila apektado.

“Sanay na kami (sa tsismis),” sey ni Troy.

Dagdag naman ng kanyang misis, “Sanay na kami. Hindi na kami affected.”

Baka Bet Mo: Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Bora: May sampalan pa…

Nabanggit din sa artikulo na ang kasama ni Troy sa viral sex video ay ibang babae, pero again, sobrang tagal na raw itong nangyari at ngayon lang kumakalat.

Anyway, ang couple ay lumipad patungong Seattle sa United States upang bisitahin ang ina ni Troy na may sakit.

Nang tingnan namin ang Instagram Story ng aktor, makikita ang picture ng mag-asawa kasama ang mga kapatid ni Troy na sina KC Montero at Colby Miller.

Caption pa nga niya riyan, “Back together again, to support mom [red heart, face with facemask emojis].”

Troy, Aubrey umamin sa kumalat na sex video: ‘Sobrang tagal na ‘nun!’

PHOTO: Instagram Story/@troymontero

Kung matatandaan, noong March 2022 nang ikinasal sina Aubrey at Troy after 18 years na pagsasama.

Mayroon silang dalawang anak na sina Hunter at Rocket.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa pang anak si Aubrey mula sa dating karelasyon na si John Maurie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending