Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Boracay

Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Bora: May sampalan pa…

Ervin Santiago |March 14,2024
facebook
share this

Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Bora: May sampalan pa…

Ervin Santiago - March 14, 2024 - 12:20 AM

Aubrey sinugod ang babaeng kausap ni Troy sa Bora: May sampalan pa...

Aubrey Miles at Troy Montero

MATINDI rin pala kung mag-away noon ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero lalo na kapag nagkakaselosan.

Inamin ng dating sexy star na talaga raw beast mode siya kapag inatake ng matinding selos at totoong nanunugod din siya kapag feeling niya may “something” na.

Nangyari raw ito sa mga unang taon ng relasyon nila ni Troy kung saan talagang maraming umaali-aligid na girls sa actor-model, lalo na kapag nasa bakasyon sila.

“Back then, ako talaga (nanunugod) ako eh,” pag-amin ni Aubrey sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, March 12.

Baka Bet Mo: Aubrey Miles, Troy Montero ikinasal na matapos ang 18 years na pagsasama

Binalikan pa ni Aubrey ang isang pangyayari kung saan talagang nag-init ang ulo niya at nagalit kay Troy matapos  makitang nakikipag-usap sa isang babae.

“Sa Boracay. Talagang tulakan, nasa bar. May mga celebrity pa noon,” sey niya na talagang na-witness ang confrontation scene nila ni Troy.

“Nakatalikod sila (Troy at kausap na babae) na magkadikit na ganyan. Pumasok ako sa gitna, ‘Excuse me!’ Talagang, ‘Excuse me!’ Sabi niya, (babaeng kachika ni Troy), ‘I’m gonna go, I’m gonna leave,’ sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)


“Sabi naman nito (sabay turo kay Troy), ‘I’m buying her a drink,’” chika pa ni Aubrey.

Ang feeling daw kasi ni Aubrey, bored na bored na sa kanya si Troy nu’ng mga panahong yun dahil hindi siya umiinom ng alak.

Patuloy pa niya, “Tapos ‘yung girl sabi na, ‘Oh, I’m not doing anything. I’m just, you know, he’s buying me a drink.’ Inglesera!”

Ang sumunod daw na eksena, niyaya na  ni Aubrey si Troy na umalis at bumalik na sa kanilang kuwarto, “Sabi niya, ‘No, I’m not leaving. Go to our room.’ Bago pa lang kami noon.

“Tapos ‘yung walkout ko talagang, pina-feel ko sa buong tao na nag-walkout ako,” aniya pa.

“Sinundan ako, habulan, may sampalan pa. Sa gitna ng Boracay, rumorolyo,” ang laugh nang laugh na pagbabalik-tanaw ni Aubrey.

Baka Bet Mo: Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Ang tanging reaksyon ni Troy sa mga naging revelation ng kanyang wifey on national TV, “Oh, my gosh!”

Pero aniya, may mga pagkakataon din noon na nagselos din siya sa mga lalaking nakakasalamuha ni Aubrey. Pero never naman daw siyang nakipagsuntukan o nakipagsapakan.

“May leveling ng away namin. Mga first three years namin, ang gulo, parang war,” sey naman ni Aubrey noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila.

“Three to six years, medyo, ano na, gulo-gulo. May selosan pa kasi, mga selosan stage. Pagdating ng mga 10 years, iba ‘yung level na nu’ng love, patience mo, understanding. Iba-ibang stages pala.

“Experience talaga, eh. Akala mo, alam mo na lahat in three years, five years,” dagdah ni Aubrey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

More than 20 years nang magkarelasyon sina Aubrey at Troy pero nagpakasal sila nitong lamang 2022. Meron silang dalawang anak, sina Hunter at Rocket.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending