Jinkee naalala ang pinagmulan ng kanilang pamilya sa pagreretiro ni Pacman sa boksing | Bandera

Jinkee naalala ang pinagmulan ng kanilang pamilya sa pagreretiro ni Pacman sa boksing

Reggee Bonoan |September 30,2021
facebook
share this

Jinkee naalala ang pinagmulan ng kanilang pamilya sa pagreretiro ni Pacman sa boksing

Reggee Bonoan - September 30, 2021 - 05:36 PM

NANG pinanood namin ang video ni Sen. Manny Pacquiao na nagpapaalam na sa kanyang boxing fans at inihayag nang magreretiro na siya sa pagboboksing, ay nakaramdam din kami ng lungkot.

Isa naman kasi talaga ang Pambansang Kamao sa naging dahilan kung bakit ang bansang Pilipinas na tinaguriang third world country ay biglang hinangaan ng buong mundo sa larangan ng boxing.

Oo nga naman namumukod tanging si Pacman lang ang may 12 major world titles in eight weight different division.

Sabi nga niya, “I am amazed of what I have done hold the record of being the only boxer to hold world titles in four different decades and become the oldest fighter to win world welterweight title.”

Dagdag pa, “I was given the opportunity of representing the Philippines, bring fame and honor to my country every time I enter the ring. I am grateful for all my accomplishments and the opportunity to inspire the fans.”

Pigil na pigil ni Manny ang luha habang isa-isang pinasasalamatan ang lahat ng taong malaki ang naitulong sa boxing career niya at kung nasaan man siya ngayon.

Ganito rin pala ang naramdaman ng asawa niyang si Jinkee Pacquiao na habang pinapanood ang farewell video ay nagbalik sa alaala niya kung paano nagsimula ang lahat.

Ni-repost ni Jinkee ang video sa kanyang Instagram na ang caption ay, “After watching your Goodbye Boxing video naalala ko gaano ako nag aalala on each and every one of your fights, especially kapag malaki at matangkad ang nakakalaban mo. But you were always full of faith and faced your opponents with courage.

“I thank the Lord everyday that He kept you safe. Thank You for the success. We are filled with gratitude and love, Jesus.

“Babe, we are always and forever here by your side. I love you.”

Pinuri naman ng netizens si Jinkee at binati rin nila ang wifey ni Pacman sa pagiging supportive nito.
Mensahe ni @itsaimeehashim, “You are the personification of this saying: “Behind every successful man, is a woman who held it all together.

“A man with big dreams will always need a woman with vision— whose faith, loyalty, support and perspective can actually change one’s reality. It takes one Queen to solidify the power of the kingdom. You and Sen worked through it all. Thank you for sharing those life lessons with us esp the ones outside social media. If only they can see and hear the testimonies, you have shared many more people will come to know how good both of you are. Love you always @jinkeepacquiao.”

* * *

Sa umeereng series ng iWantTFC na “Hoy! Love You Two” ay gusto nang magkaroon ng sarili nilang anak si Roxanne Guinoo (Marge) sa asawang si Joross Gamboa (Jules).

Naniniwala si Marge na mas magiging masaya ang kanilang pamilya kung magkakaroon sila ng baby ni Jules, lalo na’t hindi na niya naaalagaan ang nagbibinata niyang anak na si Aljon Mendoza (Charles).

Ngunit maaaring ito ang susunod na pag-awayan ng mag-asawa dahil mag-aalangan pa si Jules sa gusto ni Marge.

Nakatuon ngayon ang pansin ng mag-asawa sa patong-patong na proyekto para sa construction business nila. Nagkakaselosan na rin sina Marge at Jules dahil bukod sa pangungulit ng kliyente nilang si Mica (Ritz Azul), napapadalas ang pang-aakit nito kay Jules para makuha ang atensyon ni Jules.

Hindi naman ipinapaalam ni Jules kay Marge na balak niyang itong sorpresahin sa pagpapatayo niya ng dream house nito.

Gusto na ring tumulong nina Marge at Jules sa love life ni Charles dahil kinokontra pa rin ng Lolo Bruno (Lou Veloso) ni Kara (Karina Bautista) ang pagmamahalan ng dalawang bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Papayag ba si Jules na magka-baby sila ni Marge? Magkakatuluyan pa kaya sina Charles at Kara?

Mae-enjoy ang mga episode ng “Hoy! Love You Two” kada Sabado, 8 p.m. kapag nag-download ng iWantTFC app (iOs at Android) o magrehistro sa iwanttfc.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending