Aubrey Miles, Troy Montero palaging hubo't hubad 'pag nasa hotel

Aubrey Miles, Troy Montero palaging hubo’t hubad kapag nasa hotel

Ervin Santiago |March 13,2024
facebook
share this

Aubrey Miles, Troy Montero palaging hubo’t hubad kapag nasa hotel

Ervin Santiago - March 13, 2024 - 11:28 AM

Aubrey Miles, Troy Montero palaging hubo't hubad kapag nasa hotel

KNOWS n’yo ba na kapag nagta-travel ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero palagi raw silang hubo’t hubad kapag nasa hotel na.

In fairness, talagang walang issue sa celebrity couple ang pag-e-expose sa kanilang katawan kahit na sa kanilang mga social media accounts.

Nag-uumapaw sa init ang pagiging hot ng mag-asawa base na rin sa mga sexy photos na ipino-post nila sa social media na karamihan ay kuha mula sa mga pinupuntahan nilang beach resorts sa iba’t ibang panig ng mundo.

May paliwanag naman sina Aubrey at Troy tungkol sa paghuhubo’t hubad nila sa kanilang tinutuluyang hotel o resort sa tuwing nagbabakasyon o nagta-travel sila.

“Whenever we travel , of course kapag kaming dalawa lang, we’re always naked sa hotel,” rebelasyon ni Troy sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, March 12.

Baka Bet Mo: Aubrey Miles lubos na nagluluksa sa pagpanaw ng ina: ‘The grief will never end’

@banderaphl MAGANDA ang naging epekto sa anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket ng ilang buwang gamutan at therapy. #AubreyMiles #newsph #EntertainmentNewsPH #banderaphl #fyp #celebritynews ♬ original sound – Bandera

Sumang-ayon naman si Aubrey sa sinabi ng kanyang husband, “Kapag walang bata, oo.

“Hindi kasi kami nagdadala ng pangtulog kasi natutulog kami naked. Or kung merong robe, kasi may robe naman. Kapag wala, e, di wala.

“Natutulog kami na naka[hubad]. Normal lang. Even sa bathroom, we talk, nakahubad, nag-uusap,” ang pahayag pa ng sexy actress-entrepreneur.

Samantala, diretsahan ding inamin ni Aubrey na madalas daw ay siya ang “nangangalabit” kay Troy para mag-loving-loving.

Pero tandang-tanda raw niya ang araw na tinanggihan siya ni Troy nang magparamdam siya rito.

Chika ni Aubrey, “One time, nung medyo nasa tenth year na kami, parang nag-no siya. Sabi ko, ‘Why?’

“Sabi niya, ‘You’re too sexual for me. Every night na lang!’ Sabi ko, ‘Yes!'” ang natatawa pang sey ni Aubrey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Troy, hindi na raw niya matandaan ang ikinuwento ng asawa, “I can honestly say I cannot really remember.”

Naniniwala naman ang celebrity couple na napakahalaga sa relasyon ng mag-asawa ang sex o intimacy. Sey ni Aubrey, “It’s one of the fun part of the relationship.

“It’s important, maybe not necessity na kailangan lagi kang sexy. Para sa amin, it’s a fun thing to do,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending