Kris naging tulay sa love story nina Aubrey Miles at Troy Montero
ANG Queen of All Media pala na si Kris Aquino ang nagsilbing “tulay” sa love story ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.
Nagkuwento ang sexy actress tungkol sa naging simula ng kanilang relasyon na nag-start daw nang mag-guest si Troy sa show noon ni Kris sa ABS-CBN.
Sey ni Aubrey, nasabi raw ni Troy sa panayam ni Kris na matagal na raw siyang showbiz crush ng hunk actor-model. At habang umeere ang show tinawagan ni Kris si Aubrey.
“Tumawag siya on-air, live. Sabi niya, ‘Can I give your number?’ Tapos sabi ko, ‘Yeah, sure,'” kuwento ni Aubrey sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
That time raw ay nasa kabilang room lang si Aubrey at nagpe-prepare na para sa kanyang guesting sa next program. In fact, nanonood ang aktres sa interview ni Kris kay Troy.
Baka Bet Mo: Aubrey Miles, Troy Montero palaging hubo’t hubad kapag nasa hotel
View this post on Instagram
“After n’yo, kami na next. Hindi pa ako tapos mag-makeup, dumaan siya ng dressing room,” sey ni Aubrey habang nakatingin kay Troy na gusto namang magpa-picture sa kanya.
Reaksyon naman ng aktor, “Siyempre, I had to follow up kasi the ice has been broken ‘di ba? So I went straight and I said hi, introduced myself.”
Pag-alala pa ni Aubrey sa tagpong yun, “You asked for a photo. Di ko alam kung sure talagang gusto niyang magpa-photo, gusto lang na may purpose ‘yung pagkatok niya.
“Tapos sabi niya, ‘I’ll message you.’ Alam mo, pag-uwi ko pagkatapos ng show, may message agad ako,” dagdag chika pa ni Aubrey.
Ibinandera ng mag-asawa ang kanilang engagement noong March, 2022 after 18 years ng pagiging mag-boyfriend-girlfriend.
Noong June, 2022 naman sila nagpakasal sa isang intimate civil ceremony. Biniyayaan sila ng dalawang anak – sina Hunter at Rocket. May isa pang anak si Aubrey sa dati niyang karelasyon.
Magiging busy ang mag-asawa ngayong taon – kasama si Troy sa Kapuso afternoon series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” na pinagbibidahan ni Jo Berry habang balik-akting naman si Aubrey sa adaptation ng hit K-drama “Shining Inheritance”.
Bida riti sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Coney Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.