Tom ayaw nang marinig at mabasa ang pangalan ni Carla: We are no longer together and are moving onto own paths | Bandera

Tom ayaw nang marinig at mabasa ang pangalan ni Carla: We are no longer together and are moving onto own paths

Ervin Santiago |October 26,2022
facebook
share this

Tom ayaw nang marinig at mabasa ang pangalan ni Carla: We are no longer together and are moving onto own paths

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 07:40 AM

Tom ayaw nang marinig at mabasa ang pangalan ni Carla: We are no longer together and are moving onto own paths

Carla Abellana at Tom Rodriguez

HANGGA’T maaari ay ayaw nang marinig o mabasa pa ni Tom Rodriguez ang pangalan ng ex-wife niyang si Carla Abellana sa kanyang mga social media accounts.

Kaya naman ang request niya sa kanyang mga followers sa Instagram ay tigilan na ang pagbanggit at pagpo-post sa pangalan ni Carla sa kanilang mga comments.

Ang katwiran ng Kapuso actor, may kanya-kanya na silang buhay ni Carla at patuloy na nagmu-move on sa pagkawasak ng kanilang married life.

Last Sunday, October 23, nag-post si Tom sa IG ng maikling video na kuha sa loob ng sasakyan. Aniya sa caption, “Vegas dust storm vibes (smiley emoji).”

Sa comments section ng kanyang post sunud-sunod ang pagbati sa kanya ng mga netizens ng, “Happy first wedding anniversary.” Sa darating na October 23 kasi ang unang wedding anniversary sana nila ni Carla.

May isang IG user naman ang nagkomento ng, “Though far from each other but hope and pray that your spirit is still ONE…….stay safe and surround your self with good people who will lead you to the right path and of course, GOD as the centerof your life.

“GOD loves you and so is Carla who loves you. Happy 1st wedding anniversary…there is a happy ending,” sabi ng netizen.

Sagot naman sa kanya ni Tom, “Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no [l]onger together and are moving onto own paths. (praying hands emoji).”

Samantala, may isa pang post sa IG ang aktor na kuha pa rin habang nagda-drive siya sa isang lugar sa Las Vegas, Nevada. Marami pa rin ang nag-post ng anniversary message para sa kanila ni Carla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


Mapapansin na muling nagkomento ang follower ni Tom na siyang tangi niyang sinagot sa una niyang post.

Sabi nito, “Praying for continuous healing of your heart, mind and spirit and same with Carla as this is your 1st wedding anniversary and always be reminded of your wedding vows.

“Don’t get too distracted of the evils around esp. in that sin city where you are now. GOD loves you and there is Carla who loves you (five hearts emojis),” dugtong na paala nito kay Tom.

Ang reply ng aktor sa kanya, “I really do appreciate your well wishes, but might I kindly ask if we can refrain from speaking about others on my IG page (praying hands emojis).”

Matatandaang makalipas lamang ang tatlong buwan ng kanilang married life ay naghiwalay din ang ex-celebrity couple.

Last October 1 naman, sa kanyang 35th birthday, nabanggit ni Tom na ang wish niya ay ang pagkabuo muli ng kanyang sarili, “Right now, gusto kong buuin yung sarili ko. Ini-enjoy ko ‘tong… na binubuo ko yung sarili ko.

“And yet I’m not stopping or closing my doors to anything, experiences, or anyone here. So, I’m just enjoying. Enjoying my life,” aniya pa.

Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito nag-sorry sa composer ng ‘Harana’, kinilabutan nang marinig ang original version

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending