Michelle Dee join uli sa Miss Universe PH 2023: Just keep fighting until wala ka nang maibigay
“LABAN kung laban!” Yan ang ipinagsigawan ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa muling pagsali sa Miss Universe Philippines 2023.
Masayang ibinalita kahapon ni Michelle sa naganap na grand mediacon ng bagong primetime series na “Mga Lihim Ni Urduja” na nag-submit na siya ng application sa nasabing national pageant.
Ito na ang huling pagkakataon ni Michelle na makakarampa sa Miss Universe Philippines dahil 27 years old na siya. Bukas ang pageant sa mga kandidata “between the ages of 18 and 27.”
View this post on Instagram
Ayon kay Michelle, mismong Araw ng mga Puso, February 14, siya nagsumite ng aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023 kaya mas naging memorable ito sa kanya pati na rin sa kanyang mga fans.
Sabi ng dalaga, ito raw ang Valentine gift niya sa lahat ng kanyang mga tagasuporta na walang sawang nagmamahal at nagtitiwala sa kanya.
“LABAN kung laban!” Yan ang ipinagsigawan ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa muling pagsali sa Miss Universe Philippines 2023.
“Binigyan ko po ang supporters ko ng isang malaking regalo. Ako po ay muling nag-apply sa Miss Universe Philippines 2023.
“So, kinukuha ko na rin po ang pagkakataon to thank GMA 7 for always supporting me and my dreams and for always giving me opportunities like Urduja. Yun po ang Happy Valentine’s ko,” sabi ni Michelle.
Si Celeste Cortesi ang kinoronahang Miss Universe Philippines last year habang Miss Universe Philippines Tourism o first runner-up naman si Michelle.
Kuwento ni Michelle sa isang panayam, suportado raw ni Celeste ang muli niyag pagsali sa nasabing pageant. At kung mananalo na this year ang aktres, siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 72nd edition ng Miss Universe na gaganapin sa El Salvador sa darating na December.
“Nag-apply ako ulit. Alam din naman po ni Celeste last year pa na may balak po akong sumali ulit this year.
“And for me, it’s really about not having regrets in life because last chance ko na this year.
“And it’s the kind of example na I wanna show my supporters na just keep fighting until wala ka nang maibigay or hindi mo na kayang gawin,” sey ng dalaga.
Samantala, excited na rin si Michelle sa pagsisimula ng seryeng
“Mga Lihim ni Urduja” kung saan gumaganap siya bilang si Freya. Mapapanood na ito sa GMA Telebabad simula sa February 27, kapalit ng “Maria Clara At Ibarra.”
Vice, Angel, Sarah, KathNiel pinuri ang loyalty sa ABS-CBN; Anne solid Kapamilya pa rin
B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay
Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.