Vice, Angel, Sarah, KathNiel pinuri ang loyalty sa ABS-CBN; Anne solid Kapamilya pa rin | Bandera

Vice, Angel, Sarah, KathNiel pinuri ang loyalty sa ABS-CBN; Anne solid Kapamilya pa rin

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Vice, Angel, Sarah, KathNiel pinuri ang loyalty sa ABS-CBN; Anne solid Kapamilya pa rin

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 04:16 PM

IPINAGSIGAWAN ng Kapamilya fans ang kanilang pagmamahal sa ABS-CBN sa gitna ng krisis na pinagdaraanan nito sa pamamagitan ng social media.

Naging top 1 trending topic sa Twitter Philippines ang #KapamilyaForever at pumasok naman sa worldwide trending topics kahapon, July 1.  

Ayon sa Kapamilyq fans, patuloy nilang susuportahan ang ABS-CBN at maghihintay sa pagbabalik nito sa free TV. 

Tila nahuli naman g tweet ni @iamgino_galadam ang damdamin ng solid Kapamilya fans. Aniya, “We had you at your best and we’ll stay at your worst, @abscbn. #KapamilyaForever.”  

May mga netizen din na hinangaan ang ABS-CBN dahil sa pagbibigay nito ng break sa mga bagong talent tulad na lang sa tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na gumagawa ng ingay dahil sa serye nilang “He’s Into Her” na top 1 sa listahan ng most watched series sa iWantTFC.  

Marami ring fans ang nagpapasalamat sa tanyag na talents ng ABS-CBN na piniling manatili sa kanilang tahanan kahit walang katiyakan. Ilan sa mga nabanggit ay sina Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, Vice Ganda, Liza Soberano, Toni Gonzaga, at Sarah Geronimo.  

Mas lumakas pa ang loob ng Kapamilya fans nang mag-tweet din kahapon si Anne Curtis na hindi siya aalis sa bakuran ng ABS-CBN dahil babalik pa siya sa “It’s Showtime” para muling makasama ang madlang pipol.  

Speaking of forever, mukhang may road to forever din ang lumalakas na partnership ng ABS-CBN at Kumu dahil inanunsyo nila ngayon (Hulyo 2) na magkakaroon sila ng pelikulang ipapalabas this year.

Mismong si Direk Olive Lamasan, managing director ng ABS-CBN Films, ang naglahad ng pasabog na announcement sa livestream ng Star Magic sa Facebook page nito.

Ani Inang Olive, walang iba kundi si Direk Cathy Garcia-Molina ang magiging director ng movie project na ito ng Star Cinema at Kumu. 

Wala pang detalye ang proyekto, pero sure raw na nakakakilig ito dahil kay Direk Cathy at naka sentro rin sa usapang pamilya.  

Pagbibidahan ito ng rising stars ng ABS-CBN mula sa Star Magic at Rise Artists at magiging isa sa dapat abangan ng solid Kapamilya fans dahil history in the making daw ang project na ito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit walang prangkisa, dama pa rin talaga ang presensiya ng ABS-CBN para magbigay ng saya sa madlang pipol. Abangan na lang ang iba pang pasabog ng Kapamilya network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending