Michelle Dee sumabak sa military training para maging parte ng Philippine Air Force
MUKHANG kinakarir talaga ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang pagsisilbi sa ating bansa.
Opisyal na kasi siyang nag-umpisa sa kanyang military training upang maging parte ng Philippine Air Force, ayon sa social media post ng Miss Universe Philippines.
‘Yan ay sa kabila ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na laban sa Miss Universe pageant na mangyayari na sa Nobyembre.
Sa Instagram post ng nasabing organisasyon, makikita ang ilang litrato ni Michelle habang nakikipagpulong sa ilang mga sundalo.
Wika pa sa post, “FOR THE PHILIPPINES.”
“Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee has officially entered training to be part of the Philippine Air Force,” caption sa IG.
Dagdag pa, “She knows that it’s going to be very challenging, but it’s something she really wants to do for the country. As @michelledee says, ‘Service first.’”
“We salute Michelle Marquez Dee’s dedication to serve! [Philippine flag emoji],” mensahe pa ng MUPH organization.
Baka Bet Mo: Michelle Dee ‘hinamon’ ang bashers at walang bilib sa kanya: ‘Let’s have a showdown na lang’
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang napahanga sa beauty queen dahil nakuha pa raw nitong isingit ang military training sa gitna ng kanyang pageant training.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Super bigat na ng credentials ni Ante [black heart, fire emojis].”
“Grabe, naisingit pa niya ito while preparing for MU. You really are the [queen emoji].”
“PASOK TO!!! GRABEHAN ANG CREDENTIALS NI MADAM [heart emojis]”
“Wow nakaka-amaze ka talaga MMD [smiling face with heart-eyes emoji].”
Bukod diyan sa mga komento na ‘yan ay marami ring nagsasabi na mala-Bea Gomez ang peg ni Michelle.
Magugunita na sarhento ng Philippine Navy Reserve Unit si Miss Universe Philippines 2021 Bea Gomez.
Maliban pa diyan ay matagal na siyang collaborator at supporter ng Armed Forces of The Philippines (AFP), lalo na pagdating sa relief and rescue operations ng pamahalaan kapag may mga sakuna at kalamidad.
Ilan pa sa mga celebrities na bahagi ng militar ay sina Ronnie Liang, Dingdong Dantes, Arci Muñoz, JM De Guzman, Gerald Anderson, Elmo Magalona, at Matteo Guidicelli.
Samantala, nakatakdang lumaban si Michelle sa nabanggit na international pageant sa darating na November 18 sa El Salvador.
Makukuha kaya niya ang ika-limang korona ng Pilipinas?
Matatandaang ang mga nagwagi ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Ang reigning titleholder naman ng Miss Universe ay ang Filipina-American beauty queen na si R’Bonney Gabriel na representative ng USA.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.