Ion Perez umiiyak na nag-sorry sa ina: Pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, sana mapatawad mo ako' | Bandera

Ion Perez umiiyak na nag-sorry sa ina: Pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, sana mapatawad mo ako’

Ervin Santiago |November 12,2023
facebook
share this

Ion Perez umiiyak na nag-sorry sa ina: Pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, sana mapatawad mo ako’

Ervin Santiago - November 12, 2023 - 11:58 AM

Ion Perez umiiyak na nag-sorry sa ina: Pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, sana mapatawad mo ako'

Vice Ganda at Ion Perez

DASURVED ang pagkapanalo nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez sa “Magpasikat” anniversary special ng “It’s Showtime“.

Ang grupo nina Jhong, Kim at Ion ang nakakuha ng pinakamataas na score na 9.6 kaya sila ang itinanghal na grand champion sa “Magpasikat 2023.”

Ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang at Ogie Alcasid ang 2nd place at 3rd place naman ang grupo nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.

Ang napanalunang P300,000 ng grupo nina Kim, Jhong at Ion ay ibibigay nila sa kanilang chosen charity.

Tungkol sa responsableng paggamit ng cellphone ang tema ng naging performance ng Team JKI kung saan agaw-eksena ang napakasakit na pag-iyak ni Ion na gumanap bilang waiter na nagkaroon ng viral video.

Dahil dito nakatikim siya ng kaliwa’t kanang batikos at panghuhusga mula sa netizens kahit hindi pa nila alam ang pinagsimulan ng kuwento.

Baka Bet Mo: Regine pinaiyak ni Sharon nang mag-celebrate ng birthday: ‘Araw-araw mahal na mahal ka ni Ate, anytime you need me…I love you’

Grabe ang iyak ni Ion habang kunwari’y  kinakausap sa cellphone ang kapatid niyang babae na namatay dahil sa Stage 4 cancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinundan pa ito ng paghingi niya ng tawad sa kanyang ina na nasa studio rin ng “It’s Showtime” nu’ng araw na yun at bitbit ang litrato ng kanyang yumaong  kapatid.

Mensahe ni Ion sa kanyang nanay, “Gusto ko lang sabihin sa yo na pasensiya na kung napagsusungitan kita minsan, nakakasagot ako sa yo.

“Siguro alam mo naman yung nangyari sa akin, di ba? Sasabayan pa ng pagkawala ni Ate kaya sana, mapatawad mo ako,” ang lumuluhang pahayag ng TV host-actor.

Dugtong pa niya, “At sa ate ko na hindi na namin kapiling, gusto ko lang sabihin sa yo na maraming-maraming salamat sa tulong, sa ipinaramdam mo, sa sakripisyo mo na hindi ko na nasuklian.

“Nami-miss na kita, Ate, mahal na mahal kita, hanggang sa muli. I love you, Ate,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ni Ion habang pinasasalamatan ang kanyang ina at mga kapatid na talagang nagtungo pa sa studio ng “It’s Showtime” para suportahan ang kanilang presentation sa “Magpasikat”.

“Maraming, maraming salamat sa inyo. Wala, wala na yung proud sa akin na (ate). Sa tuwing nakikita niya ako sa TV, araw-araw tumatawag yan, ‘Proud na proud ako sa kapatid ko, si Noy. Mabait na bata.’


“Sa panahong ramdam ko na yung tao galit lahat sa akin, siya lang yung tao na naniniwala na hindi lingid sa akin kaya…” sabi pa ni Ion na hindi na natapos ang sasabihin at humagulgol na.

Kasunod nito, ipinakita rin si Vice Ganda na iyak din nang iyak habang pinanonood ang kanyang partner.

Sabi ni Vice, “Araw-araw kasama ko yan. Alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Every day he’s being judged.

“Kung ano siya, saan siya galing, paano siya magsalita, ano na ang nakikita sa kanya, yung klase ng relasyon na meron siya…everyday he’s being judged.

“Araw-araw, lumalaban yan. Araw-araw nasasaktan kaya…basta hindi ninyo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa akin. Ang alam ninyo lang, yung alam ninyo. Ang nakita ninyo lang, ang nakita ninyo, pero hindi ninyo talaga alam.

“Kaya araw-araw, di ba, sabi ko sa yo, araw-araw mamahalin kita. Kakampihan kita araw-araw. Araw-araw, kakampihan kita araw-araw. Ipagdadasal kita araw-araw. Yayakapin kita araw-araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dadamayan kita araw-araw. Araw-araw, sasamahan kita, sasamahan kita. Mahal na mahal kita. Proud na proud ako sa yo. Proud na proud ako sa yo,” ang lumuluhang mensahe pa ni Vice kay Ion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending