#OGSanggresReunited: Karylle, Sunshine, Iza, Diana muling nagsama-sama sa 'It's Showtime' | Bandera

#OGSanggresReunited: Karylle, Sunshine, Iza, Diana muling nagsama-sama sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo |November 07,2023
facebook
share this

#OGSanggresReunited: Karylle, Sunshine, Iza, Diana muling nagsama-sama sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo - November 07, 2023 - 02:26 PM

#OGSanggresReunited: Karylle, Sunshine, Iza, Diana muling nagsama-sama sa 'It's Showtime'

MATAPOS ang ilang taon ay muling nagkita-kita ang mga original sang’gres ng hit Kapuso fantaseryeng “Encantadia” na sina Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri para magpasaya sa “It’s Showtime”.

Agad ngang nag-trending sa X (dating Twitter) ang napakasayang reunion ng apat na bidang minsang naging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino tuwing gabi.

Ngayong araw, November 7, nakatakdang magpasikat ang Team Karylle, Amy, MC, Lassy, kasama ang mga Batang CutePo na sina Argus, Kulot, at Jace.

Umikot ang kanilang performance ukol sa kwento ng kanilang pamilya kung saan naiiwan ang batang si Argus sa kanilang tree house dahil kinakailangang magtrabaho ng kanyang mga Ate at Kuya para sa kabilang pamilya.

Sa unang parte ay present sina Karylle, Tuang Amy, Lassy, MC at Argus. Kasama nilang mag-perform sina Fana, pamangkin nitong si Fabio pati na rin si Roselle Nava at ang kanyang mga anak.

Matapos nito ay nagkaroon ng kanya-kanyang performance sina MC kasama Ppop boy group na BGYO. Kasama naman ni Tyang Amy ang drag queen na si Taylor Sheesh. Habang kasama naman ni Lassy ang PPop girl group na BINI. Maririnig naman si David Licauco bilang Lulu, kaibigan ni Argus.

Baka Bet Mo: Iza, Diana, Karylle binigyan ng ‘blessing’ ang 4 na bagong Sang’gre; cast members sumabak na sa matinding training

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At ang malupit na pasabog ay kasama ni Karylle sa kanyang performance ang mga original sang’gres na na-miss ng lahat na sina Iza Calzado bilang Amihan, Sunshine Dizon bilang Pirena, Diana Zubiri bilang si Danaya at ang “It’s Showtime” host bilang si Alena.

Maririnig pa nga ang pagsigaw ng madlang pipol ng “mga sang’gre” habang nagpe-perform ang apat.

Napa-comment rin si Unkabogable Star na si Vice Ganda sa muling pagsasama-sama nina Karylle, Iza, Sunshine, at Diana.

“Grabe ‘yung sang’gre cast. Ang lakas. ‘Yung paglabas n’yo doon, ang lakas lakas ng dating. Sobra. Ang daming napasaya ng presensya ninyong buo, kayong mga sang’gre for today’s vidyow… My God. Binuo na ang mga sang’gre, ano pang tatalo doon?” sabi ni Vice.

“Napapayag ako dahil sa pamilya. Na-miss ko kayo. Na-miss kong mag-perform,” pagbabahagi ni Diana sa dahilan ng kanyang pagpayag at nag-effort pa itong lumipad pa-Pilipinas mula Audtralia para magbigay suporta kay Karylle.

Nang tanungin naman si Iza kung paano siya napapayag na mag-guest gayong abala ito sa pag-aalaga ng kanyang anak na si Deia.

“Wala nang tanong tanong pa. Sabi nga ni Diana, pamilya. So nandito kami siyempre para suportahan ang kapatid naming si Karylle. Isang tawag lang niyan, magkakapit-bisig talaga kami para sa isa’t isa.

“And thank you for giving us this opportunity para magsama-sama kasi bibihira talaga kaming magsama kahit off cam… ‘Pag magkakasama kasi kami feeling namin talaga may magic kasi mahal na mahal namin ang isa’t isa simula pa noon hanggang ngayon,” sagot ni Iza.

Inamin naman ni Sunshine na noong una ay nagso-sorry siya kay Karylle dahil nauna na siyang humindi dahil sa schedule niya ngunit nagawan niya ito ng paraan para sa malapit na kaibigan.

“But then, you know, K is such a wonderful friend… You can always count on her and I think it’s such a beautiful thing that we are all together again here and Joy [Diana] even made a very big effort to be here with us so naisip ko, sino ba naman ako para humindi,” lahad ni Sunshine.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang performance ng Team Karylle lalo na ang muling pagsasama ng apat na sang’gre.

Comment naman ng isa, “Wala akong masabi nothing but Love to these OG Sanggre’s [heart emoji] happy to see them together sarap nila panoorin always brings back memories. Hoping to see them again together in one project.”

“Wow!!! Reunion, friends talaga sa support nila Kay Karylle…grabeeee,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Goosebumps! Iba ang support nila kay Karylle!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang May 2005 nang bumida unang ipalabas ang “Encantadia” na may 160 episodes at tumagal hanggang December 2005.

Related Chika:
Avisala! Bianca Umali ipinakilala na bilang bagong Sang’gre ng Encantadia, ang nawawalang anak ni Danaya

‘TVJ’ muling binuhay sina Dolphy, Babalu, Redford White at iba pang pumanaw na Pinoy comedian sa ‘Magpasikat’ ng ‘It’s Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending