Avisala! Bianca Umali ipinakilala na bilang bagong Sang’gre ng Encantadia, ang nawawalang anak ni Danaya
NAGPIYESTA ang mga supporters at social media followers ng Kapuso actress na si Bianca Umali nang ibandera ng GMA 7 ang bagong project ng dalaga.
Ipinakilala na si Bianca bilang isa sa mga bagong Sang’gre na bibida sa susunod na kabanata ng classic action-fantasy series na “Encantadia“.
Gaganap ang dalaga bilang si Terra sa pagpapatuloy ng “Encantadia” saga. Siya ang nawawalang anak ni Sang’gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.
View this post on Instagram
Si Sanya Lopez ang gumanap na Sang’gre Danaya sa huling kabanata ng “Encantadia” na umere sa GMA noong 2016. Nakasama niya rito ang iba pang Sang’gre na sina Glaiza de Castro (Pirena), Gabbi Garcia (Alena) at Kylie Padilla (Amihan).
Abot-langit naman ang pasalamat ni Bianca na sa kanya ipinagkatiwala ang role na Terra at pangako niya, gagawin niya ang lahat para mabigyan ng justice ang kanyang karakter, na tinaguriang “tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.”
Baka Bet Mo: Kapuso star na bibida sa ‘Sang’gre’ ng GMA napili na, mapapasabak sa buwis-buhay na mga eksena
“Maraming salamat. No other words, paulit-ulit kong sinasabi na I am very thankful to my supporters.
“Hindi ko hiniling ito, pero ipinagkaloob sa akin, that’s why I’m very very thankful.
“Thankful to my network, kasi sa tiwala. I assure them they will not be disappointed,” chika ni Bianca sa panayam ng “24 Oras.”
Sa mga susunod na araw, ibabandera na ng GMA ang iba pang gaganap na mga bagong Sang’gre ng new generation. May idea na kami kung sinu-sino sila, kung saan ang isa ay napapanood ngayon sa isang primetime series na pinagbibidahan ng sikat na sikat na loveteam.
* * *
Paano na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga?
Sasagutin ang mga ito sa “The Cheating Game”, na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26.
“A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal,” ang pelikula ay isang romantic drama na magpapakita ng mature, relatable, at realistic side sa pakikipag-date sa panahon ngayon.
Sa kwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.
View this post on Instagram
Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kumpanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.
Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang “perfect guy” at malayung-malayo sa kaniyang ex. Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.
Makakasama nina Julie at Rayver sa “The Cheating Game” sina Martin Del Rosario bilang Brian Villogo; Winwyn Marquez bilang Vanessa; Yayo Aguila bilang Faith Celestial; Candy Pangilinan bilang Tita Gelly; Phi Palmos bilang Joi Celestial; Thea Tolentino bilang Natalie; at Paolo Contis bilang Mister Y.
Mapapanood din sa pelikula sina Chef Jose Sarasola, Charm Aranton, Charlize Ruth Reyes, Rocelyn Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Ida Sabido, Evan Tan, Roi Oriondo, Bernadette Anne Morales, Felds Cabagting, at Iman Manoguid.
Unang pelikula sa ilalim ng GMA Public Affairs, ang ‘The Cheating Game’ ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol (Cuddle Weather, Mata Tapang, at Quaranthings).
Batay ito sa orihinal na konsepto ni Peabody award-winning documentary writer at producer Shao Masula, at co-written ito ni Jessie Villabrille na head writer din ng ilan sa mga sikat na GMA primetime series.
Panoorin ang “The Cheating Game” sa Netflix Worldwide simula sa October 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.