Kapuso star na bibida sa 'Sang'gre' ng GMA napili na, mapapasabak sa buwis-buhay na mga eksena | Bandera

Kapuso star na bibida sa ‘Sang’gre’ ng GMA napili na, mapapasabak sa buwis-buhay na mga eksena

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:44 AM

Diana Zubiri at Sanya Lopez

Diana Zubiri at Sanya Lopez

NAPILI na ang Kapuso star na bibida sa upcoming fantasy-action-drama na “Sang’gre”, ang
spin-off series mula sa hit fantaserye na “Encantadia.”

Nagsimula na ang pre-production ng nasabing proyekto, ayon mismo  kay GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable nang makachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media last Friday, March 11.

“It’s now in creative development. It is a spin-off ng Encantadia so may iba siya na mas marami siyang mortal world. Pero siyempre hindi mo aalisin ‘yung equity ng Encantadia world kasi ‘yun naman talaga ang jump off point nito,” pahayag ng TV executive.

Aniya pa, “Marami rin bagong iniisp ang creator nito na si Suzette Doctolero. Exciting talaga for us kasi iba na ‘yung part two (umere noong 2016). Ngayon spin-off naman.

“Ang ganda kasi nagbubunga siya ng iba-ibang material kaya dito kami looking forward to, pati ‘yung special effects na pinaplano naming gawin at saka ‘yung iba-ibang ways of depicting Encantadia, that special world that we created,” kuwento pa ni Ms. Lilybeth.

Kasunod nito, nabanggit nga niya na may napili na ang management para magbida sa “Sang’gre.”

“Unang-una, kailangan mukha siya talagang Sang’gre. Kailangan beautiful, physically mukhang strong, magiging maganda ang hitsura kapag nilagyan mo ng costume.

“Lasi defintely she will be doing a lot of stunts, a lot of fight scenes and siyempre magaling umarte. Lahat ‘yun taken ito consideration na puwede siya ihanay doon sa mga Sang’gre na nauna na before her,” sey pa ng isa sa mga bossing ng GMA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Bukod sa napiling bida sa “Sang’gre”, posible ring makasama sa serye ang ilan sa mga original cast members sa original version at sa remake nito.

“Oo, isa na lang siya (napiling bida) pero hindi ibig sabihin ay hindi niyo makikita ‘yung ibang mga Sang’gre, either as part of the cast or as guests, at kung saan ‘Encantadia’ siya galing, kung sa first o sa second.

“Mahilig naman kaming gumawa ng ganoong mga surprises, kahit noong second installment,” sabi pa ni Ms. Lilybeth.

Iikot ang kuwento ng “Sang’gre” sa isang ordinaryong babae na bigla na lamang magbabago ang takbo ng buhay nang matuklasan niya ang taglay na kapangyarihan dahil siya nga ang nag-iisang anak ni Reyna Danaya na ginampanan naman nina Diana Zubiri at Sanya Lopez.

https://bandera.inquirer.net/279422/gabby-kay-sanya-madaling-mai-in-love-sa-kanya-ang-kahit-na-sino-dahil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303750/ruru-madrid-kylie-padilla-iniwasang-mapalapit-sa-isat-isa-habang-ginagawa-ang-encantadia-2
https://bandera.inquirer.net/279422/gabby-kay-sanya-madaling-mai-in-love-sa-kanya-ang-kahit-na-sino-dahil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending