Boss Toyo bibilhin ang Encantadia costume ni Diana ng P500k

Boss Toyo ‘tumangkad’ dahil kay Diana; Encantadia costume bibilin ng P500k

Ervin Santiago - May 26, 2024 - 08:34 AM

Boss Toyo 'tumangkad' dahil kay Diana; Encantadia costume bibilin ng P500k

NALOKA kami sa mga naging hirit ng content creator at negosyanteng si Boss Toyo patungkol sa dating sexy actress na si Diana Zubiri.

Napanood namin ang guesting ni Boss Toyo o Jayson Luzadas sa tunay na buhay, sa Friday episode (May 24) ng Kapuso morning show na “Unang Hirit” kung saan in-interview siya nina Arnold Clavio at Shaira Diaz.

Ibinandera ng “Pinoy Pawnstars” vlogger ang ilan sa mga mahahalagang koleksyon niya na pag-aari ng mga kilalang celebrities, kabilang na ang mga Nora Aunor dolls at ang puting bato na ginamit ni Marian Rivera sa fantasy-action series na “Darna.”

Sa isang bahagi ng interview, ipinakita ang mga ginamit na costume nina Karylle bilang Alena at Diana Zubiri bilang Danaya sa classic GMA series na “Encantadia” na umere noong 2005.

Ang mga naturang costume ng dalawang aktres ay nakasuot sa mannequin ay naka-disay sa lobby ng GMA Network sa kanto ng Timog sa Quezon City.

Baka Bet Mo: Diana ilang beses nag-audition sa ABS-CBN: Simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po’y nag-apply pero naligwak ang lola n’yo

Tanong ni Arnold kay Boss Toyo, magkano kaya niya bibilin ang mga nasabing “Encantadia” costume sakaling ibenta ang mga ito sa kanya.

Tugon ng kolektor, “Ganito po talaga yung mga gusto kong binibili. Yung mga gamit sa post-production, shows.

“Actually may nabili na ako na Encantadia map. Nabili ko yata parang mga P30,000,” simulang pahayag ng sikat na vlogger.

Aniya, pwede niyang bilhin ang costume ni Karylle bilang si Alena sa halagang P300,000.

Pero mas mukhang interesado si Boss Toyo sa costume ni Diana bilang Danaya, “Sobrang idol ko ito noong kabataan ko. Tumangkad ako dito. Tumangkad ako!”

Nagtawanan ang mga tao sa studio sa sinabi ni Boss Toyo, kabilang na si Igan. Pero mukhang hindi naman nagetsing ni Shaira ang sinabi ng vlogger na may sexual connotation.

Hirit pa ni Boss Toyo habang pumapalakpak pa, “Kapag dinala po niya sa akin, kung sino po, kunyari ng production, mga P400,000.

“Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka P500,000. Sasagad ko po kapag nakita ko si idol. Diana Zubiri, sobrang idol ko yan!” ang rebelasyon pa ni Boss Toyo.

Reaksyon naman ni Arnold na gets na gets agad ang joke ng collector, “Mukhang gusto mong kunin ang damit ni Danaya. Kaya pala ang kinis ng mukha nito.

“Anjo, kanino ka tumangkad?” ang baling na tanong naman ng veteran TV host at news anchor sa co-host nilang si Anjo Pertierra.

Agad namang nag-dialogue si Arnold ng, “Just for fun lang ito mga Kapuso. Hindi po natin ibebenta yung costume ng mga Sang’gre. Ito po ay para lang subukan natin kung magkakano siya ituturing talaga ni Boss Toyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa masyadong aware sa naging naughty comments ni Boss Toyo tungkol kay Diana, ang tinutukoy niyang “pagtangkad” nang dahil kay Diana ay…hahahaha! Parang di ko rin kayang banggitin dito yun! Ha-hahaha!

Basta yun na yun! Knows n’yo na yun! Isipin n’yo na lang kung gaano katindi ang pagpapantasya noon ni Boss Toyo kay Diana Zubiri! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending