Hugot ni Iza sa yumaong ina: I wish I was a better friend to you

Hugot ni Iza sa yumaong ina: Mama, I wish I was a better friend to you

Ervin Santiago - June 19, 2024 - 08:36 AM

Hugot ni Iza sa yumaong ina: Mama, I wish I was a better friend to you

Iza Calzado

PINUSUAN ng mga netizens ang birthday message ng aktres na si  Iza Calzado para sa kanyang yumaong inang si Mary Ann.

Sa pamamagitan ng social media, ipinarating ni Iza ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang nanay kasabay ng pag-alala sa kaarawan nito.

Nag-share ng ilang litrato sa kanyang Instagram account ang aktres at celebrity mom kasama ang anak na si Deia Amihan.

Baka Bet Mo: Angel Guardian mangiyak-ngiyak habang binibigyan ng tips ni Iza Calzado sa pagganap na Deia sa ‘Sang’gre: Encantadia Chronicles’

Hawak-hawak pa ni Baby Deia ang portrait ng kanyang lola na si Mary Ann mula sa artist na si Nestor Abayon, Jr..

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Mababasa sa caption ng kanyang IG post ang mensaheng, “Mama, I wish I was a better friend to you. I was too young to understand.

Baka Bet Mo: Iza Calzado chinika kung bakit ‘Deia Amihan’ ang ipinangalan sa anak

“Now that I have my own child, I will do my best to be a good mother and friend to Deia and keep your memory alive through the stories of Lola Tisay that I will share with her,” ang pahayag pa ni Iza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


“I miss you and, yes, I love you. Happy Birthday, Mama!” dagdag pa ng aktres sa birthday message niya sa kanyang nanay.

Ikinasal si Iza sa kanyang husband na si Ben Wintle noong 2018 at noong 2022, ibinandera ng aktres sa buong universe ang kanyang pagdadalang-tao sa mismong 40th birthday niya.

Ipinanganak niya si Deia noong January 26, 2024 ngunit isinapubliko lamang nila ito ni Ben nitong March.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ni Iza, isinunod talaga niya ang pangalan ng anak sa iconic character niya sa classic Kapuso action-fantasy series na “Encantadia” bilang si Sang’gre Amihan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending