Iza, Diana, Karylle binigyan ng 'blessing' ang 4 na bagong Sang'gre; cast members sumabak na sa matinding training | Bandera

Iza, Diana, Karylle binigyan ng ‘blessing’ ang 4 na bagong Sang’gre; cast members sumabak na sa matinding training

Ervin Santiago |November 07,2023
facebook
share this

Iza, Diana, Karylle binigyan ng ‘blessing’ ang 4 na bagong Sang’gre; cast members sumabak na sa matinding training

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 07:30 AM

Iza, Diana, Karylle binigyan ng 'blessing' ang 4 na bagong Sang'gre; cast members sumabak na sa matinding training

Diana Zubiri, Iza Calzado, Sunshine Dizon at Karylle

BINIGYAN ng “blessing” ng mga original Sang’gre ang apat na bagong karakter na siyang bibida sa latest edition ng hit classic fantasy-action series ng GMA na “Encantadia.”

Kabilang sa mga bumati at nag-congratulate sa mga bagong Sang’gre ay sina Iza Calzado (gumanap na Amihan), Karylle (Alena), Diana Zubiri (Danaya) at Glaiza de Castro (gumanap na Pirena sa ikalawang edisyon ng Encantadia).

Bibida sa “Sang’gre: Encantadia Chronicles” sina Bianca Umali bilang si Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa, Faith Da Silva as Flamarra, ang may-ari ngayon ng Brilyante ng Apoy, Angel Guardian bilang si Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangi, at si Kelvin Miranda as Adamus, ang protector ng Brilyante ng Tubig.

Sa naganap na “table read” para sa pagsisimula ng “Sang’gre” production sa pangunguna ng direktor nitong si Mark Reyes, ay isa-isa ngang bumati sa pamamagitan ng video message ang mga dating “Encantadia” stars.”

“It’s your Sang’gre Alena reporting, woke up like this,” ang pagbati ni Karylle sa video na naka-post sa “Encantadia” Facebook page. “Just wishing everybody who is part of ‘Sang’gre’ good luck,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Bianca Umali kinakarir na ang paghahanda bilang Sang’gre ng Encantadia: ‘As if I’m preparing for a Marvel movie!’

Ang paniniwala pa ni Karylle, “Sang’gre blessings and turnovers should be done in person.”

“I hope this new ‘Sang’gre’ show will take you to places your heart never imagined, open the doors. Asnamanon voyanazar (open sesame),” sabi pa ng original Alena.

Mensahe naman ni Diana, ang unang gumanap na Danaya, “Avisala (Greetings).

“Ako pa ay nagagalak at muli ang pagpapatuloy ng aming nasimulan kaya ngayon palang, syempre congratulations at good luck sa lahat ng cast at bumubuo ng ‘Sang’gre,” aniya.

May special shoutout pa siya kay Bianca Umali bilang si Terra, “Anak ka ni Danaya kaya I love you, I love you, I love you ka talaga. Congratulations and avisala eshma (thank you).”

Bumati rin ng “Avisala!” si Iza sa mga bagong Sang’gre at nagpakilala bilang si Amihan, “Gusto ko lang magsend ng aking best wishes and a lot of good energy para sa bagong cast ng ‘Encantadia: Sang’gre.’”

“I hope to see and meet all of you soon, maybe on set,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos kontrabida sa ‘Encantadia’, gaganap bilang makapangyarihang diwata na si ‘Mitena’

At dahil wala si Sunshine Dizon, ang ikalawang Pirena na si Glaiza De Castro ang nagbigay ng mensahe sa mga bagong diwata. Present din si Glaiza sa naganap na table read dahil makakasama uli siya sa bagong edisyon ng “Encantadi” bilang Pirena.

Ilan pa sa mga nag-congratulate kina Bianca, Faith, Angel at Kelvin ay ang mga “Encantadia” 2016 stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Rocco Nacino, at Mikee Quintos.

Kamakailan lamang ay ni-reveal na rin ng GMA ang latest cast member ng serye na walang iba kundi si Rhian Ramos, ang gaganap na Mitena, ang kakambal ni Cassiopeia na ginampanan noon ni Solenn Heussaff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Direk Mark Reyes, very soon ay magsisimula na ang shooting ng “Sang’gre” at sa ngayon daw ay sumasailalim na sa training ang ilang members ng cast bilang paghahanda sa kanilang fight scenes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending