Bianca Umali kinakarir na ang paghahanda bilang Sang'gre ng Encantadia: 'As if I'm preparing for a Marvel movie!' | Bandera

Bianca Umali kinakarir na ang paghahanda bilang Sang’gre ng Encantadia: ‘As if I’m preparing for a Marvel movie!’

Ervin Santiago - October 25, 2023 - 07:42 AM

Bianca Umali kinakarir na ang paghahanda bilang Sang'gre ng Encantadia: 'As if I'm preparing for a Marvel movie!'

Bianca Umali

FEELING nasa Cloud 9 pa rin ang Kapuso actress at TV host na si Bianca Umali nang malamang isa siya mga bagong Sang’gre na bibida sa panibagong yugto ng “Encantadia.”

Si Bianca ang gaganap bilang si Terre, ang nawawalang anak ni Sang’gre Danaya na ginampanan ni Sanya Lopez sa huling version ng “Encantadia” ng GMA 7.

At sa much-anticipated sequel nga ng iconic action-fantasy Kapuso series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre”, in-announce sa “24 Oras” last Monday ang participation ni Bianca.

“Maraming salamat. No other words, paulit-ulit kong sinasabi na I am very thankful, of course, to my supporters.

“Hindi ko hiniling ito, pero ipinagkaloob sa akin. That’s why I’m very very thankful.

“Thankful to my network, kasi sa tiwala. I assure them they will not be disappointed. I will not fail anyone,” ang emosyonal na sabi ni Bianca.

Baka Bet Mo: Vilma Santos super enjoy sa pag-aalaga ng apo: ‘It’s really nice to be a lola, ang sarap! Ang ganda-ganda ni Baby Peanut!’

Kuwento pa ng dalaga, kinakarir na niya ngayon ang pagte-training para sa maaaksyong eksenang ipagagawa niya sa serye.

“The way I’m preparing for this is as if I’m preparing for a Marvel movie. Ganoon ko po siya pinaghahandan.

“I am preparing my physique for it, I’m preparing my skills for it, and I have been studying everything about Encantadia,” aniya pa.

Inamin ng girlfriend ni Ruru Madrid na noong gawin ang ikalawang version ng “Encantadia” noong 2016 ay gustung-gusto na niyang makasama sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I wasn’t called for an audition. I think I wasn’t consider for at all. Na-realize ko, na kaya pala, hindi pala dapat ako nalungkot noong mga oras na yon na akala ko hindi ako kasali, kasi mayroon palang ganito. Mayroon palang para sa akin,” ani Bianca.

Baka Bet Mo: Kapuso star na bibida sa ‘Sang’gre’ ng GMA napili na, mapapasabak sa buwis-buhay na mga eksena

Ang bumida sa “Encantadia” noon bilang mga Sang’gre ay sina Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya), Gabbi Garcia (Alena), at Glaiza de Castro (Pirena).

Siya ngayon ang hahawak ng Brilyanyte ng Lupa na siya rin niyang pinangarap na mapasakanya.

“Si Danaya kasi is headstrong and siya yung pinaka-rational sa kanilang apat. Kaya noong nalaman ko na brilyante ng lupa yung mapupunta sa akin, I think it’s in the stars, I would like to believe,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa ni Bianca, “Mga Kapuso, muli po, ito po si Bianca Umali. Iniimbitahan ko po kayo na sana abangan, panoorin, at mahalin po ninyo ako bilang si Terra sa Sang’gre. Ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending