Bonggang collab ng Ben&Ben at 'Maria Clara at Ibarra' nagpaiyak sa mga fans; Top 15 sa The Clash 2023 napili na | Bandera

Bonggang collab ng Ben&Ben at ‘Maria Clara at Ibarra’ nagpaiyak sa mga fans; Top 15 sa The Clash 2023 napili na

Ervin Santiago |February 22,2023
facebook
share this

Bonggang collab ng Ben&Ben at ‘Maria Clara at Ibarra’ nagpaiyak sa mga fans; Top 15 sa The Clash 2023 napili na

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:29 AM

Bonggang collab ng Ben&Ben at 'Maria Clara at Ibarra' nagpaiyak sa mga fans; Top 15 sa The Clash 2023 napili na

Ben&Ben

LALO pang naging inspiring at tagos sa puso ang mga eksena sa “Maria Clara at Ibarra” matapos itong gamitin sa music video ng kanta ng Ben&Ben na “Kayumanggi.”

Mapapanood sa nasabing music video ang ilan sa mga pinakatumatak na eksena ng mga karakter sa matagumpay na primetime serye ng GMA 7.

Swak na swak din ang awitin ng Ben&Ben na tungkol sa pagmamahal sa bansa at pagtanggap sa katangian ng mga Pinoy.

Puring-puri ito ng mga netizens at may ilan pang nagkomento ng “GMA, sana makagawa pa po kayo ng historical dramas na gaya nito. Ang sarap panoorin at maraming kapupulutang aral.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)


“Hindi ko alam kung maiiyak ako o mai-in-love sa kanta. Thank you Ben&Ben at GMA Network sa isang napakagandang obra na ito.”

Una rito, pinuri ng isa sa mga vocalist at guitarist ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin ang naturang primetime masterpiece.

Ayon sa kanyang tweet, “#MariaClaraAtIbarra is such a groundbreaking show. Kudos to everyone involved!”

Maaaring mapanood ang nasabing music video sa social media accounts ng GMA Network at GMA Pinoy TV.

Huwag na huwag palalampasin ang huling tatlong gabi ng “Maria Clara at Ibarra”, 8 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

* * *

Lalo pang titindi ang pasiklaban at bakbakan sa kantahan matapos mapili ang Top 15 sa “The Clash” 2023.

Lahat ng Clashers ay nagpamalas ng husay at talento sa stage pero may ilan na talaga namang nag-stand out dahil sa kanilang pasabog na performance.

Marami pang exciting twists at challenges ang naghihintay sa mga contenders kaya naman siguradong mas matindi pa ang magaganap na showdown sa mga susunod na episode.

Subaybayan ang journey ng Clashers kasama ang The Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.

Tuluy-tuloy rin ang kilig at inspiring na chikahan kasama ang Clash Masters na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob Rayver Cruz.

Tutukan ang “The Clash 2023” tuwing Linggo, 7:50 p.m. sa GMA Network.

Arlene Muhlach binanatan si Mon Cualoping, wag daw gamitin si Angel para magpasikat

Mommy Min shocked sa sinisingil ng fan para sa ‘domain’ ni Kathryn: Sarili mong pangalan ‘di mo pwedeng gamitin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ben&Ben todo papuri sa SB19: Mga totoo silang tao, saludo kami sa inyo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending