‘It’s Your Lucky Day’ hosts emosyonal sa last day ng show

‘It’s Your Lucky Day’ hosts emosyonal sa last day ng show: ‘It’s our great honor na magpasaya sa inyong lahat!’

Pauline del Rosario |October 29,2023
facebook
share this

‘It’s Your Lucky Day’ hosts emosyonal sa last day ng show: ‘It’s our great honor na magpasaya sa inyong lahat!’

Pauline del Rosario - October 29, 2023 - 11:52 AM
‘It’s Your Lucky Day’ hosts emosyonal sa last day ng show: ‘It’s our great honor na magpasaya sa inyong lahat!’
PHOTO: X/@YourLuckyDayNa

EMOSYONAL na nagpaalam sa madlang pipol ang mga host ng variety show na “It’s Your Lucky Day.”

Natapos na kasi ang 12-day airing nito noong October 27.

Magugunitang ang nasabing programa ang pumalit sa noontime show na “It’s Showtime” habang ipinatutupad ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Bago ang closing spiel, nagbigay ng mga mensahe sina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Francine Diaz, Seth Fedelin, Kyle Echarri, Divine Tetay, Petite kasama ang kanilang special guest na si Jessy Mendiola upang pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa variety show.

Ayon kay Jennica, mami-miss niya ang programa, lalo na ang mga viewers nito na tinawag nilang “Ka-Lucky.”

Baka Bet Mo: Jhong Hilario nagpasalamat sa bumubuo ng ‘It’s Your Lucky Day’: Saludo kami sa inyo!

Nagpasalamat naman sina Divine Tetay at Petite na nabigyan sila ng oportunidad upang maging parte ng programa.

Grateful din sina Shaina, Francine, Seth at Kyle dahil napili silang maging host kahit wala silang karanasan pagdating sa hosting.

Inihayag naman nina Melai at Robi ang nabuong relasyon with their co-hosts at staff ng show.

https://www.instagram.com/p/Cy5MUMsLTDB/?hl=en&img_index=1

Si Luis, hindi napigilang maiyak habang sinasabing, “Bukod sa aking maybahay, sa aking anak, magulang at pamilya, kapag may kumausap sa akin at tinanong: ‘Ano ‘yung pinaka favorite mo na moment ‘nung nagho-host ka for 20+ years?—’It’s Your Lucky Day.’”

“It’s our great honor na magpasaya sa inyong lahat nang panandalian para mapawi ang inyong problema,” patuloy niya.

Mensahe pa niya, “At sa ating ‘It’s Showtime’ family, we welcome you back! Maraming, maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin sa inyong tahanan at itutuloy niyo rin ang kasiyahan.”

Sa huli ay humiling pa si Luis sa mga manonood na ipagdasal sila, “Kapit lang. Malay naman natin this is not goodbye.”

Ilan sa mga celebrities na nag-guest sa show ay sina Vilma Santos, Andrea Brillantes, Bianca Umali, at mga komedyante na sina Negi at Long Mejia.

Related Chika:

Ate Vi nag-bow sa mga host ng ‘It’s Your Lucky Day’, Andrea napaluha dahil sa kanyang ate: ‘Siya ang naging nanay at tatay ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tito, Vic & Joey, Eat Bulaga Dabarkads nagpaalam na: ‘Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending