Jhong Hilario nagpasalamat sa bumubuo ng 'It's Your Lucky Day': Saludo kami sa inyo! | Bandera

Jhong Hilario nagpasalamat sa bumubuo ng ‘It’s Your Lucky Day’: Saludo kami sa inyo!

Therese Arceo |October 28,2023
facebook
share this

Jhong Hilario nagpasalamat sa bumubuo ng ‘It’s Your Lucky Day’: Saludo kami sa inyo!

Therese Arceo - October 28, 2023 - 05:40 PM

Jhong Hilario sa bumubuo ng 'It's Your Lucky Day': Saludo kami sa inyo!

LABIS na nagpapasalamat ang “It’s Showtime” hosts lalo na sina Jhong Hilario at Vice Ganda sa lahat ng bumubuo ng programang “It’s Your Lucky Day”.

Sa muling pagbabalik ng Kapamilya noontime program ngayong araw, October 28, nagpahayag ng pasasalamat ang TV host-politician dahil sa kabila ng pagkakasuspende nila ng halos dalawang linggo ay buong puso pa rin silang sinalubong ng madlang pipol.

“We are forever grateful na may tahanan kami na ang tanging hangad lamang ay magpasaya sa abot ng aming makakaya,” saad ni Jhong.

Matapos nito ay pinasalamatan niya ang mga hosts ng programang pansamantalang humalili sa kanila upang patuloy na magbigay saya at pag-asa sa madlang pipol pati na rin ang lahat ng mga taong bumuo rito.

Baka Bet Mo: Rendon inireklamo sa MTRCB ang paghila ni Vice sa scarf ni Jhong sa leeg: ‘Dapat sila ang tanggalin n’yo sa internet, hindi ako!’

Bandera IG

“Of course, sa ‘It’s Your Lucky Day,’ maraming-maraming salamat dahil itinuloy n’yo ang paghahatid ng saya sa lahat ng Madlang ka-Lucky. Syempre si Luis Manzano and of course the Lucky Stars, maraming-maraming salamat. Saludo kami sa inyo!” lahad pa ni Jhong.

Matatandaang kaya pansamantalng hindi napanood sa telebisyon ang “It’s Showtime” dahil sa ipinataw na 12-day suspension sa programa ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Sinegundahan naman ni Vice ang pahayag ni Jhong at pinuri ang mga hosts na sa kabila ng maikling panahon ay talagang minahal at sinubaybayan ng mga tao.

“Congratulations sa ‘It’s Your Lucky Day.’ Ang ganda-ganda nung na-provide nilang entertainment at pagsasalo with the Madlang Pipol. Maraming-maraming salamat. Congratulations sa inyo, Luis, at sa buong grupo ninyo. Thank you very much!” sey ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending