Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby | Bandera

Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby

Therese Arceo |July 14,2023
facebook
share this

Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby

Therese Arceo - July 14, 2023 - 08:15 AM

Jhong Hilario nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: We will miss you my baby
MALUNGKOT ang “It’s Showtime” host at politician na si Jhong Hilario sa pagpanaw ng kanyang alagang hayop na si Paris.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan niya habang yakap yakap ang matagal nang alagang hayop.

“Maraming salamat sa pag mamahal at pag sama samin ng 15 years Paris,” saad ni Jhong.

Bagamat mabigat sa kanilang loon ay panatag naman na sila dahil hindi na makararamdam ng sakit si Paris.

“No more pain… We will miss you my baby… Run free… I love you so much,” pagpapatuloy pa ni Jhong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Jhong Hilario nagtapos ng magna cum laude sa Arellano University: ‘Ito yung bayad-utang ko sa mga magulang ko’

Marami naman sa kanyang mga kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagkawala ng alagang aso.

“Kuya Jhong 🥺🥺,” sey ni Melai Cantiveros.

Saad naman ni Bela Padilla, “Run free, Paris ❤️ say hi to Sputnik at the rainbow bridge for me 🥹.”

“Masakit talaga sa puso tay,” sey naman ni Jolina Magdangal.

Nagpaabot naman ng yakap ang “It’s Showtime” co-host ni Jhong na si Karylle.

May ilan rin ang tila nakaka-relate sa nararamdaman ng actor-politician dahil tulad nito, nawalan na rin sila ng halagang hayop.

“Condolence po kuya jhong run free paris,” sabi ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hay sakit sa dibdib, 3 years na nawala aso ko pero iyak parin ako pag nakita ko pic nya 😔 at pag my nawalan ng fur baby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa ‘2 Good 2 Be True’

Jhong Hilario sinorpresa ang mga kaibigan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’, Vice Ganda napaiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending