Rendon inireklamo sa MTRCB ang paghila ni Vice sa scarf ni Jhong sa leeg: 'Dapat sila ang tanggalin n'yo sa internet, hindi ako!' | Bandera

Rendon inireklamo sa MTRCB ang paghila ni Vice sa scarf ni Jhong sa leeg: ‘Dapat sila ang tanggalin n’yo sa internet, hindi ako!’

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 12:20 PM

MAY bagong reklamo na naman ang social media personality na si Rendon Labador laban sa Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Muling nanawagan si Rendon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa ginawa ni Vice sa co-host nito sa “It’s Showtime” na si Jhong Hilario.

Nais niyang paimbestigahan kay MTRCB Chairperson Lala Sotto ang paghila ni Vice Ganda sa suot na scarf ni Jhong Hilario sa isang episode ng “It’s Showtime” na umere noon pang nakaraang taon.

Sa kanyang Instagram story, ipinost ng kontrobersyal motivational speaker ang screenshot ng umano’y paghila ni Vice sa scarf na nakasuot sa leeg ni Jhong sa “Miss Q&A” segment ng kanilang noontime show na umere noong Agosto 17, 2022.

Hirit ni Rendon sa kanyang caption, “Hindi na pataasan ng RATINGS ang uso sa mga noontimes shows ngayon, kundi paramihan na ng VIOLATIONS.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ayaw tantanan si Vice Ganda: Tama na ang paglason sa isip ng kabataan

“Number 1 parin yata ang #ItsShowtime pagdating sa violations. Lahat ng award nakukuha ni Vice,” ang patutsada ni Rendon kay Vice at sa programa ng ABS-CBN.

Patuloy pa niya, “MTRCB, paki-imbestigahan nga ito at pakidagdag sa mga violations kung maaari. Dapat sila ang tanggalin ninyo sa internet at hindi ako!”

Nauna rito, ibinandera rin ni Rendon ang kanyang galit at pagkadismaya kay Vice at sa dyowa nitong si Ion Perez dahil sa umano’y indecent acts ng mga ito sa “Isip Bata” segment naman ng “Showtime” noong July 25.

Ito yung sumubo ng icing ng cake sina Vice at Ion gamit ang kanilang mga daliri habang nasa harapan ng mga batang kasama sa segment na sina Argus, Kulot at Jaze.

Dahil dito, pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB ang programa. Umapela naman ang ABS-CBN sa ahensiya at nanindigang wala silang nilalabag na batas.

Samantala, isa pa sa iniimbestigahan  ngayon ng MTRCB ay ang reklamo laban kay Joey de Leon na may kauganayan sa kanyang “lubid” joke sa isang segment ng kanilang noontime show na “E.A.T.” sa TV5.

Related Chika:

Jhong alay sa yumaong kapatid ang pagkapanalo sa Makati; Kathryn napasigaw sa ‘2 Good 2 Be True’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parking boy pinakain na ni Ryan Bang, binigyan pa ng pera; Jhong ipinagamot ang pasyenteng nagda-dialysis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending