Sue Ramirez may pa-soft launch kay Dominic Roque

Sue Ramirez may pa-soft launch kay Dominic Roque, magdyowa na?

Therese Arceo - November 23, 2024 - 10:43 AM

Sue Ramirez may pa-soft launch kay Dominic Roque, magdyowa na?

MUKHANG may something na talaga sa pagitan ng aktres na si Sue Ramirez at Dominic Roque na spotted sa Siargao na magkasama.

Marami kasing mga netizens ang nakapansin na na tila may pa-soft launch ang dalaga matapos nitong ibandera ang larawa ng aktor sa kanyang Instagram post.

Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata na isa si Dominic sa mga taong nasa larawang kuha ni Sue ngunit kapag tinignan itong maigi ay makikita mo ang binata.

Marami tuloy ang naiintriga kung magdyowa na ba ang dalawa dahil muli na naman silang naispatang magkasama at sa Siargao talaga ang kanilang favorite place.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual ‘nagpaparamdam’ daw kay Sue Ramirez, nanliligaw rin ba?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa panig nina Sue at Dominic kung ano ang namamagitan sa kanila ngunit marami na sa mga netizens ang nagpakita ng pagsuporta sa dalawa.

Sa katunayan, tinatawag na “DomSue” shippers ang mga netizens na pabor sa pagsasama ng dalawa.

Matatandaang unang pumutok ang chikang may something sa pagitan nina Dom at Sue matapos itong mamataang naghahalikan sa isang bar sa Siargao.

Mabilis ring nakumpirma na sila nga ang nasa video dahil na rin sa kanilang post na parehas silang nasa Siargao matapos ang pag-viral ng naturang video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang problema kung tutuusin dahil hiwalay naman na si Sue sa dating karelasyon na si Victorias City Mayor Javi Benitez.

Samantala, matagal na rin namang hiwalay si Dominic sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending