Vice Ganda sa ‘tote bag’ issue ni BINI Maloi: Hold your power!
PINAYUHAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang isa sa mga member ng BINI na si Maloi Ricalde hinggil sa pagharap sa mga bashers.
Sa nagdaang Grand BINIverse concert ng tinaguriang nation’s girl group ay isa ang “It’s Showtime” host sa kanilang special guests.
Habang nagbabatuhan ng kabilang mga banter sa stage ay nabanggit ni Vice ang nag-viral na post ni Maloi hinggil sa isa sa kanilang mga merch na isang tote bag.
“Nung rehearsal natin, sinabi ko ‘to kay Maloi. Sabi ko kay Maloi, ‘Oh Maloi, kamusta ka na? Engeng tote bag, bigyan mo ko ng tote bag.’
Baka Bet Mo: Vice Ganda nanindigan sa pagkatao ni Ion: Mabuti ang puso ng asawa ko!
View this post on Instagram
“Tapos sinagot niya ako pabiro, sabi niya, ‘Wala na Meme, ano dinelete ko na.’ Tapos naniwala naman ako,” pagbabahagi ni Vice.
Nang matapos raw ang kanilang rehearsal ay muli niyang kinausap ang anak-anakan at tinanong kung dinelete ba talaga nito ang kanyang post sa tote bag.
Matatandaang nag-viral noon ang post ni BINI Maloi patungkol sa merch nilang tote bag na binatikos dahil para daw itong black trash bag.
Kaya naman nagbigay ng payo si Vice hindi lang kay Maloi kundi sa lahat ng members kung ano ang dapat gawin sa susunod na makatanggap sila ng pambabatikos.
“Kung magpo-post kayo, anytime you like posting anything, kahit ano sinasabi nila, ‘Never delete.’ NEVER DELETE. For as long as you know that your post is not harmful to anyone, never delete.
“Hold your power. Huwag ninyo ibigay sa mga tao, lalo na yung hindi nagmamahal sa inyo, yung power to control you. Never let that happen,” sey ni Vice.
Aniya, minsan raw ay maingay ang paligid at sa sobrang takot ay mas pipiliin na lang na mag-delete pero kung wala namang masamang intensyon at walang natatapakang tao ay huwag hahayaan ang iba na magwagi.
“Kasi minsan, sa sobrang takot, sa sobrang ingay na, kahit wala ka naman sinabi, ide-delete mo na lang. Pero hindi, especially if you’re coming from a place of love. Kung hindi naman siya harmful, NEVER DELETE. HOLD YOUR POWER,” dagdag pa ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.