Cristy Fermin sa chikang buntis na si Sarah Geronimo: Kasal nga nila nailihim nila | Bandera

Cristy Fermin sa chikang buntis na si Sarah Geronimo: Kasal nga nila nailihim nila

Therese Arceo |October 10,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sa chikang buntis na si Sarah Geronimo: Kasal nga nila nailihim nila

Therese Arceo - October 10, 2023 - 06:17 PM

Cristy Fermin sa chikang buntis na si Sarah Geronimo: Kasal nga nila nailihim nila
NAGBIGAY ng opinyon ang kolumnistang si Cristy Fermin kaugnay sa chikang buntis na raw ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez, napag-usapan nila ang hindi naunsyaming concert ng maybahay ni Matteo Guidicelli kasama si Bamboo.

“Kung totoo po ang balitang umiikot ngayon sa apat na sulok ng showbiz maging sa labas, maraming maliligayahan. Naglilihi na raw si Sarah Geronimo? Ang gandang balita no’n,” panimula ni Cristy.

Dito ay nabanggit nga nila ang pagkaka-postpone ng concert ng dalawa sa Pampanga dahil sa umano’y medical condition ni Sarah.

“Ang sabi ng Viva, ang kanyang management agency, ‘yung kanyang medical condition [ang dahilan] nga raw. Ano kaya ‘yun? E mukha namang walang sakit si Sarah. Masigla naman,” pagpapatuloy ni Cristy.

Aniya, may nagkuwento raw sa kanila na buntis na nga ang singer.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo ipinagpaliban muna ang concert sa Pampanga, anyare?

“Dapat lang naman. Sampung taon na silang magkarelasyon ni Matteo Guidicelli. Tatlong taon na silang kasal. Dapat lang mayroon na tayong marinig na umiiyak ng ‘uwa uwa’,” sey pa ni Cristy.

Chika pa nila, sana raw ay ito na ang muling magdugtong at maging rason para magkabati nang muli si Sarah at Mommy Divine na matagal nang hindi nagkikibuan.

“Isang napakagandang balita po ito lalo na sa mga Popsters ni Sarah Geronimo. Matagal na po nilang wini-wish na sana magkaroon na ng baby ang mag-asawa at tayo naman, matagal na rin tayong naghihintay,” sabi pa ni Cristy.

Pero talagang naniniwala ang kolumnista na may katotohanan na ang chikang buntis si Sarah.

“Mas naniniwala nga ako na nagdadalangtao na at inililihim lang. Kasal nga nila, nailihim nila e,” hirit pa ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Iilan lang naman ang mga artistang nasa loob ng tiyan e mayroon na kaagad Facebook.”

Paniguradong magiging responsableng magulang sina Sarah at Matteo kung sakaling ipagkakaloob na sa kanila ang anak.

Sey naman ni Romel, malalaman raw kung totoong buntis si Sarah kapag natuloy ang concert sa October 29.

Related Chika:
Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens ‘rambulan’ dahil lang sa pagsabay ni Julie Anne sa nag-audition sa The Voice Generations: ‘Ginawa rin naman yan ni Sarah G, ‘no!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending