Kylie bilib na bilib kay Ruru, ikinumpara kay Robin: 'May mga kilos siya na nakikita ko talaga 'yung tatay ko' | Bandera

Kylie bilib na bilib kay Ruru, ikinumpara kay Robin: ‘May mga kilos siya na nakikita ko talaga ‘yung tatay ko’

Ervin Santiago |October 05,2023
facebook
share this

Kylie bilib na bilib kay Ruru, ikinumpara kay Robin: ‘May mga kilos siya na nakikita ko talaga ‘yung tatay ko’

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

Kylie bilib na bilib kay Ruru, ikinumpara kay Robin: 'May mga kilos siya na nakikita ko talaga 'yung tatay ko'

Kylie Padilla at Ruru Madrid

IKINUMPARA ng Kapuso actress na si Kylie Padilla si Ruru Madrid sa kanyang amang action star na si Sen. Robin Padilla.

Bukod kay Yassi Pressman, magiging leading lady din ni Ruru si Kylie sa upcoming GMA action-drama series na “Black Rider”.

Magkakaroon siya ng special participation sa nasabing programa  bilang si Berniece, ang asawa ng karakter ni Ruru na si Elias.

Ayon kay Kylie, maraming pagkakapareho ang tinaguriang Kapuso Action Drama Prince sa kanyang amang si Binoe na isa sa mga icon ng Philippine showbiz pagdating sa pag-aaksyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Bilib na bilib si Kylie sa pagiging action star ng binata at talagang saludo siya sa effort at dedikasyon na ibinibigay ng aktor sa bawat proyektong ginagawa nito.

Sa ilang eksena nga raw ng Kapuso star sa “Black Rider” ay kitang-kita niya ang pagkakapareho nila ni Robin, lalo na sa maaaksyong eksena.

Baka Bet Mo: Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

“May mga kilos si Ruru na nakikita ko talaga ‘yung tatay ko. Sinasabi ko nga sa kanya, ‘You look like my dad.’

“Actually, nakakatawa kasi nagku-compete kaming dalawa kung sino ang mas magaling gumaya,” chika ni Kylie sa ulat ng GMA 7.

Bukod nga kay Kylie, may dalawa pang leading lady si Ruru sa “Black Rider”, yan ay sina Yassi at Katrina Halili.

Gagampanan ni Yassi sa serye ang karakter ni Vanessa, ang street-smart at palabang babaeng mai-involve kay Elias. After nilang magdrama at magpakilig sa pelikulang “Video City”, muli silang magsasama sa “Black Rider.”

“Very easy, I still feel exactly the same po. Katulad po noong sinabi ko before, Ruru is so easy to work with. Saludo po ako sa dedication niya rin po sa trabaho, very professional and very passionate,” pahayag ni Yassi.

Samantala, si Katrina naman ang gaganap sa karakter ni Romana, ang misteryosang assassin.

“Ito ‘yung dalawang buwan na may training. Kahit wala akong taping, may training pa din. Okay naman, happy naman kasi first time ko,” kuwento ni Katrina na ang tinutukoy ay ang pinagdaanan niyang motorcycle at martial arts training.

Ibinandera naman ni Ruru ang bonggang paghahanda ng cast at production ng  “Black Rider”, “It’s really action-packed talaga. Sobrang pinaghandaan namin lahat ng mga eksena.

“Sa lahat ng mga foreign films na napapanood natin na mga action, alam ko sa sarili ko na kaya rin nating gumawa noon,” aniya pa.

Kasama rin sa serye sina Matteo Guidicelli, Gary Estrada, Rio Locsin, Raymart Santiago at marami pang iba. Mapapanood na ito simula sa November 6 sa GMA Telebabad.

Kathryn Bernardo ikinumpara ni Dolly de Leon kay Nora Aunor: ‘Walang kaere-ere, sobrang cool na babae’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: ‘Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending